Tita Elise, mag-start na po,” kalabit sa kanya ni Tessa. Nasa kina Felix at David pa rin kasi ang atensyon niya.Kinuha na niya ang sako at pumasok silang dalawa ni Tessa.“Okay, baby. Galingan natin para manalo tayo ha.”“Yes po, Tita Elise,” excited na sabi ng bata.“Ready… set… go!”Nag-umpisa ang laro. Tumalon sila nang sabay, at kahit muntik pang matumba ay napatawa lang siya. Naririnig niya ang hiyawan ng mga bata.“Go, Mommy! Go, Tessa!” sigaw nina Charlotte, Asherette, at Aurora habang nagchi-cheer sa kanila.Napalingon siya saglit, nakita niyang nakatingin pa rin si Felix sa kanya, pero nang mapansin nitong tumingin siya ay agad itong ngumiti at nag-thumbs up.Parang gumaan ang dibdib niya.Nang matapos ang laro, hingal na hingal siya at napaupo sa gilid habang tumatawa si Tessa sa tabi niya.“You’re fun, Mommy Elise!” sabi ng bata.Napahaplos siya sa buhok nito. “Ikaw din.”Nakita niyang papalapit si Felix sa kanya, inalalayan siya nitong makatayo mula sa damuhan.“Okay ka l
آخر تحديث : 2026-02-18 اقرأ المزيد