Nanlamig ang batok niya sa sinabi nito. Napahawak siya sa braso ni Elijah. Nanindig ang balahibo niya.“Kaya siguro pakiramdam ko ay magaan ang katawan ko ngayon,” dagdag pa ng matanda. “Parang may naalis na bigat.”Tahimik silang tatlo sandali, pinoproseso ang lahat ng nangyayari.Maya-maya ay nagsalita si Elijah. “Anuman ang totoo, ang mahalaga ay ligtas na kayo, Lolo.”Tumango ito. “At kayo rin.”Hindi pa man sila nakakahuma ay nag-ring ang cellphone niya. Ang kanyang mama ang tumatawag.“Hello, Ma?” Hindi niya alam kung paano sasabihin ang balita... kung good news ba iyon o bad news.“Anak, kamusta na kayo diyan? Si Lolo, kamusta na?” parang nagmamadaling tanong ng kanyang mama.“Bakit, Ma? May nangyari ba?”“Wala naman, anak… ahm, nanaginip lang kasi ako kaya napatawag ako agad.”“Ano ang panaginip mo, Ma?”“Si Mommy Marivic ang nagpakita sa akin…”Hindi na naman siya nakapagsalita.“Anak, are you still there?”“Parehas tayo, Ma. Nagpakita rin si Lola Marivic sa akin kagabi… kasa
Last Updated : 2026-02-07 Read more