Pagdating sa mansyon ay sinalubong kaagad sila ng katulong. "Nasaan sina Tita Cynthia, Manang?""Sa kwarto po ni Mr. Li, Madam Elise."Humugot siya ng malalim na hininga. Sana lang ay walang nangyaring masama kay Lolo dahil sa mag-ina.Pagdating sa harap ng kwarto ay kumatok muna siya nang mahina bago dahan-dahang pumasok. Agad nakatingin ang lahat sa pagpasok nila, tila inaabangan talaga sila nito.Andoon ang tatlong mag-ina... si Noah, Marise, at Tita Cynthia. Andoon din ang mga paper bag na napamili ni Noah na nakakalat sa sahig. Ibig sabihin, doon dumiretso ang tatlo pagkagaling sa mall at hindi pa umaalis hanggang ngayon.Napatingin siya kay Lolo... stressed na ang mukha nito. Bakit hindi man lang napansin ng tatlo?"Ma'am Elise, mabuti at dumating ka na. Baka mapano na po si Lolo sa pagod," sabi ni Nurse Tessa na nag-aalala."Sige, ako na ang bahala, Tessa."Nang makita sila, agad na tumayo si Cynthia. "Narito na ang paborito mong apo, Dad! Ang bastos na si Elise!" sigaw nito."
آخر تحديث : 2026-02-26 اقرأ المزيد