"Hi, Noah! Ako si Celine," bati ng babaeng nakilala niya, na may kasamang malapad na ngiti at bahagyang haplos sa sariling buhok. "Akala ko customer ka lang, dito ka pala babagsak. Welcome sa team!""Salamat," sagot niya sabay kindat. Nawala pansamantala ang inis niya kay Tessa dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya rito. Kung sa mansyon ay kailangan niyang magpanggap na "good boy" sa harap ni Elise at Lolo Li, dito sa boutique ay pakiramdam niya ay pwede niyang ilabas ang totoong siyaUmalis na si Ruby matapos siyang maibilin sa manager ng store. Agad siyang nilapitan ni Celine para ituro ang mga pasikot-sikot."Dito ang stocks natin, Noah. At ito naman ang mga latest release na kailangang i-display. Medyo mabusisi si Ma'am Elise sa ayos, dapat pantay-pantay ang pagkakaanggulo ng mga sapatos," paliwanag ni Celine saka sumimangot. Ito ang babaeng nakausap niya na may lihim na inis kay Elise. Masyado raw kasing istrikto pagdating sa work at palagi itong napapagalitan."Madali lang ’yan
آخر تحديث : 2026-02-28 اقرأ المزيد