"Noah! Nakikinig ka ba sa amin?"Inis na tanong nito ng makitang wala siya sa kanyang sarili.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Blangko ang kanyang mga mata. "Yes, Ma. Kung ano ang desisyon niyo, ‘yun na rin ang desisyon ko," matipid niyang sagot. Wala na siyang lakas para makipagtalo."Kung ganoon, mag-impake na tayo," desididong utos ng kanyang ina, habang mabilis na pinupunasan ang luhang pilit kumakawala."Sa sandaling ma-book na ang ticket natin, uuwi na tayo ng Pilipinas. Nakakalungkot man na dito tayo humantong, pero tayo ang gumawa ng kapalaran natin.""Gusto ko nang magpahinga, Ma. Napagod ako kahit ilang oras lang ako sa loob ng kulungan," sambit niya, ang boses ay puno ng pait at pagkairita. "Baka naman puwede na kayong lumabas? Gusto ko nang matulog."Hindi na niya kayang makipagpalitan ng salita. Magulo ang kanyang utak."Sige, anak. Magpahinga ka na," marahang tugon ng ina. "Nagpapasalamat ako na hindi ka na tumagal sa kulungan. Magpalakas ka."Isang tipid na tango
Read more