Lumipas ang ilang oras ng pakikipag-plastikan sa mga panauhin. Bawat tawa ni Felix sa mga biro ng mga kaibigan nilang naroon ay tila musika sa pandinig niya, pero ang bawat haplos ng kamay ng lalaki sa kanyang hita sa ilalim ng mesa ay nagpapaalala sa kanya na ang nangyari sa SUV ay pampagana pa lamang.Nang magsimulang magpaalam ang mga bisita, nakakita siya ang pagkakataon. "Mga amiga, mukhang kailangan ko na talagang magpahinga. Medyo umiikot na po ang paningin ko," malambing niyang paalam sa mga kaibigan."Yeah, it's getting late na din. Magpahinga na kayo, Elise, at ang mga bata," sabi ni Helen."Ikaw din, Paulette, magpahinga na. Bawal sa buntis ang nagpupuypat," sabi naman ni Amalia. "Uuwi na din kami. Bukas ay asahan niyo andito kami ulit hahaha... Alam niyo naman excited kami sa kasal niyo.""Wala na din naman aayusin pa sa kasal nila, Mom," putol ni Yassy sa ina nitong si Amalia. "Everything is set. Hindi pa dumadating si Tita Elise mula sa China ay naayos na namin ni Paulet
Read more