"Of course not, sir! Kami ang ikakasal at VIP kayo nitong mga kaibigan ko. Saka ano naman kung mayaman sila? Bago ako yumaman, sa hirap ako nanggaling. Kaya walang mayaman o mahirap sa akin."“Naku, hon, baka naman magtulala ka doon sa mga mayayamang kaibigan ni Paulette ha… huwag tumulo ang laway mo,” biro ni Tanya kay Johan.“Ano ka pa, hon… siyempre hanggang tingin lang ako!” sagot ni Johan. “Gusto ko na rin makita sina Asherette, Charlotte, at Tita Elise. Siguradong mamamatay sa inggit ang mga kapitbahay natin kapag malaman nila na aattend ako ng kasal mo, Paullette.”Napatawa sila sa sinabi ni Johan.“Ano nga pala ang nangyari sa kanila?” tanong niya, naalala kung gaano kalupit ang mga kapitbahay nila noon.Napailing si Johan. “Ayun… mahirap pa rin at chismis pa rin ang inaatupag. Nabanggit ko nga na mayaman na kayo. Nagsisisi sila sa ginawa nila sa pamilya ninyo. Sabi pa nga, baka kung naging mabait sila noon, baka maambunan pa sila ng grasya.”Sandali siyang natahimik. Sa kabil
Magbasa pa