Maya-maya ay nag-aayos na rin para umuwi sina Marise at ang mama niya. Nakahanda na ang mga bag sa may pintuan, habang ang driver ay naghihintay na sa labas.“Mag-ingat kayo sa biyahe, Ma, ha. Andoon naman sila Kevin at Karding para tumulong sa mga delivery. Tatawag-tawag na lang ako sa kanila para alam nila ang gagawin.”“Huwag mo na kaming alalahanin, anak,” sagot ng kanyang mama habang inaayos ang damit nito. “Ang sarili mo muna ang intindihin mo. Alam namin na matagal mo na itong hinihintay.”Napangiti siya. Nagpapasalamat siya dahil hindi naman siya hinadlangan ng kanyang mama sa desisyon niyang suyuin si Tessa. Sa halip, tila ito pa ang unang nakaunawa.“Dad, aalis na po kami. Si Noah na po ang bahala sa’yo dito, ha,” paalam ng mama niya kay Lolo Li.“Lolo, pagpasensyahan mo na si Kuya. Mukhang masyadong malalim ang tama kay Tessa, eh. Mukhang tinamaan talaga ni Kupido,” biro ni Marise sabay tawa.“Hahaha! Huwag kayong mag-alala. Ako ang bahala dito, Cynthia, Marise.”Pagkatapos
Magbasa pa