Pag-uwi nila mula sa Quezon Province, sinalubong agad sila nina Mama Elise at Daddy Felix sa harap ng mansion.Hindi pa man siya tuluyang nakakababa ng kotse ay nakaabang na ang kanyang ina, halatang sabik na makita sila.“Hi, anak… kamusta ang lakad n’yo?” malambing na bati ni Mama Elise. Lumapit ito, humalik sa pisngi niya, at marahang hinimas ang kanyang tiyan.“Okay naman, Ma. We had fun,” sagot niya, may ngiti.“That’s good to hear. Mabuti naman at nakapag-gala ka. Tara, nagpahanda ako ng pagkain para sa inyo. I know you’re tired… at si baby na rin,” dagdag ng ina.Hinawakan siya nito sa kamay at maingat na ginabayan papasok ng mansion. Nakasunod naman sina Elijah at Daddy Felix sa likod nila.Pagpasok pa lang ay sinalubong na siya ng masiglang boses ng kanyang mga kapatid.“Hello, Ate!” sabay na bati nina Asherette at Charlotte habang mabilis na lumapit at yumakap sa kanya.“Girls, ingat sa tiyan ng ate n’yo. Baka masaktan si baby,” paalala ni Mama Elise.“We know, Mom! Siyempre
Magbasa pa