Habang kumakain sila, unti-unting nawalan siya ng gana. Ang bawat subo ay tila bumibigat sa lalamunan niya. Iisa lang ang umiikot sa isip niya, aalis si Tessa anumang oras. At sa oras na mangyari iyon, muling magiging malungkot ang puso niyaPagkatapos nilang kumain, nagyaya pa si Lolo Li na tumambay muna sa garden. Gusto nitong samantalahin ang pagkakataong magkakasama silang lahat, kaya nauwi muli sa kuwentuhan ang hapon. May mga tawa, may biruan, ngunit siya’y nanatiling balisa.Nang makita niyang palabas na si Tessa at tila papunta na sa garden, agad niya itong pinigilan.“Tess... pwede ka bang makausap?”Mahina ang boses niya, halos pabulong. Napatigil si Tessa at saglit siyang tiningnan. Halata ang pag-aalinlangan sa mukha nito, ngunit maya-maya ay tumango rin.Lumayo sila nang kaunti sa iba.“Tess...” huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Pwede bang huwag ka nang sumama sa kanila? Dito ka na lang, please. Ako ang mag-aalaga sa’yo. Promise, babantayan kita twenty-four seven
Mehr lesen