KABANATA 182”Hello Tita! Na-miss ko po kayo,” bati ni Pam kay Inay pagkatapos niya akong pakawalan mula sa mahigpit niyang yakap. ”Magandang umaga, Pam. Ngayon ka na lang ulit naparito sa amin,”ani naman ni Inay kaya natawa si Pam at tinuro ako. ”Busy po akong bantayan ang kumpanya ng anak niyong nagbakasyon, Tita,” sumbong niya kaya naman natawa kami pareho ni Inay. Nagkuwento rin si Pam ng mga naganap sa kumpanya, alam ko namang nasa magandang pamamalakad ito. ”O siya, mamaya nga pala ay pupunta tayo ng sakahan para hatiran ang tatay niyo ng tanghalian. Gusto mo bang sumama anak? Ikaw Pam?” tanong sa amin ni Pam na mabilis naman naming tinanguan. ”Tutulong na rin kami magluto ‘nay, mukhang marami kayong pakakainin,” I said chuckling pero tumango ang inay kaya alam kong lahat ng kasamahan ni itay ang kakain. Pagkababa ay nakita ko naman si Colton na may hawak na walis at nililinisan ang mga agiw. Ang laki laki niya tapos ganun ang ginagawa niya. ”Good morning, Col,” bat
최신 업데이트 : 2025-08-19 더 보기