CHAPTER 195: YVETTE’S POVBinitawan lang ako ni Gino ng makarating na kami sa opisina niya sa loob ng hospital. Mabilis kong nilapitan ang anak naming si Glia na ngayon ay tulala dahil sa nangyari kanina. “Baby…..okay ka lang? M-may masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ko at mabusising tinignan ang balat niya. “Sorry Mommy, kung tumakbo po ako kanina. I was excited nung nakita ko yung 7 11 po,” malungkot na aniya kaya naman hinawakan ko ang baba niya at itinaas ito. “Ano yung 7 11 baby? A playstore?” tanong ko sa anak ko ngayong nakakunot na ang noo sa harapan ko. “It’s a convenience store Mommy, you always buy me donuts pa nga dun dati e,” nakangusong sabi niya pero hindi ko nga maisip kung ano ba ang itsura ng 7 11 na sinasabi ng anak ko.“Stop making your mom’s head hurt, Glia,” suway naman ni Gino na nasa pintuan pa rin pala at nakatanaw sa aming dalawa.“It’s okay, Gino. Gusto ko ring malaman kung ano ba ako 3 years ago,” wika ko na ikinakunot ng noo niya.“The present a
Last Updated : 2025-10-06 Read more