KABANATA 169 ”I miss those matapang moments, Fina! Feeling ko kaya mo na akong ipaglaban sa kuya ko mamaya kapag nalaman niyang nandito ako sa Japan,” natatawang saad nito kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. ”Hindi pa busog sa kuya mo nakahalik na nga. Mukhang pati ikaw ay gusto ring maisahan, Craise,” bulong ko sa kanya. ”I don’t like her aura din no! Mukhang cheater and unloyal, and swak naman sa sinabe mo sa video call dahil may ugaling s****p rin siya ha. Sa sobrang friendly, aayain kaagad ako sa room nila para mag-dinner,” aniya habang tumatawa kaya natawa na rin ako. Hindi ko rin naman hinayaan na ma-consume ako ng inis ko kay Devon at namili na lang ng mga gamit at kaunting clothes for my babies. Mga bottles, clothes, socks and small bags lang ang pinipili ko dahil balak kong sa Pilipinas na lang bumili ng malalaking gamit nila like crib. Sobrang galante naman ng tito nitong si Craise dahil lahat ng pinapakita ko sa kanya ay maganda at ina-add to cart niya talaga.
Last Updated : 2025-08-04 Read more