"A-Alyssa, anak... pumasok ka rito."Hindi na pinansin ni Alyssa si Marco. Hindi siya tumingin, hindi siya lumingon. Ang tanging nasa isip niya noon ay si Olivia, na kitang-kita sa mukha ang galit, gulat, at pagkalito. Mabilis siyang tumakbo papalapit, at bago pa tuluyang makapagsalita si Olivia ng kung ano pang mas masakit, agad niyang hinawakan ang kamay nito, marahang pinisil, parang sinasabing “Ako na, Mama. Ako na ang bahala.”“Mama,” aniya, bahagyang nanginginig ang tinig niya pero pilit pinakakalma.Pero si Olivia, tila hindi nakinig. Mata pa lang nito, parang may hawak na matalim. “Nasaan si Marco?” madiing tanong, halos tumatama ang tinig sa bawat sulok ng silid. “Sabihan mo siyang lumabas! Harapin niya ‘ko. Gusto ko siyang marinig na magpaliwanag. Hindi ‘yung ikaw lang palaging tumatayo para sa kanya!”“Mama…” agad na sagot ni Alyssa, hindi niya kayang hayaang lumala pa ang tensyon. “Nagkakamali kayo. ‘Yung mga damit na nakita n’yo… akin ‘yon.”Halatang hindi kumbinsido si Ol
Terakhir Diperbarui : 2025-07-05 Baca selengkapnya