ELIAS POV SA tulong ng pinsan kong si Christopher, maayos kaming nakarating ng bahay. Iyun nga lang, hindi ko maiwasan na magulat nang may maabutan kaming isang bata at dalawang babae. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko dahil habang tinitigan ko ang bata kanina at ang babaeng nagngangalang Amery, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kurot sa puso. Nasasaktan ako sa hindi ko maintindihan na kadahilanan. May bahagi ng puso ko na nagsasabi na lapitan siya at tanungin kung sino siya at ano ang ginagawa niya dito sa bahay ni Mommy. Simula noong nagkamalay ako sa hospital dulot ng aksidente, ngayunko lang nakita ang babaeng ito. HIndi ko din siya maaalala. Yeah, maaring kulang pa ang mga alaala na pumapasok sa sa isipan ko. Hindi pa kasali ang tungkol sa babaeng Amery ang pangalan pero bakit ganito? Bakit parang gusto ko siyang lapitan at yakapin? Kaya lang, siyempre nag-aalangan ako. Hindi ako dapat gumawa ng mga bagay na hindi magugustuhan ng kapwa ko. Isa akong
Terakhir Diperbarui : 2025-05-11 Baca selengkapnya