ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV "ELIAS, bumalik ka? Teka lang, ipapahanda ko lang ang mga pagkain para makakain na tayo." nakagiting salubong ni Rebecca sa akin pagkadating ko ng bahay. Pagkatapos namin mag-usap ni Mommy kanina, direcho na akong umuwi para kumprontahin sana si Rebecca sa ginawa nitong pagsisinungaling sa akin three years ago. Hindi ko na siguro kailangàn pang hintayin ang iba ko pang alaala para kausapin ng masinsinan itong si Rebecca. "Ikaw ba talaga ang fiancee ko, Rebecca?" seryosong tanong ko dito. Napansin ko ang biglang pamumutla ng mukha nito at kaagad na nag-iwas ng tingin sa akin. " A-ano bang klaseng tanong iyan, Elias. Siyempre naman. Ako ang kasama mo simula noon at hangang ngayun at kahit kailan hindi ako nagsinungaling sa iyo." seryoso nitong sambit. Hindi ko naman mapigilan ang mapangisi sa sinabi niya. "Are you sure sa mga sinasabi mo? Rebecca, alam ko na kung ano ang nangyari three years ago kaya sana sabihin mo sa akin ang totoo. Huwag mo nang
Last Updated : 2025-05-18 Read more