ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV '"TATAY, Balik ka mamaya ha?" bigkas nang naglalambing na si Elizabeth. Kung pwede nga lang na huwag na akong umalis sa tabi nilang dalawa ng Nanay niyang si Amery, gagawi ko sana. Kaya lang, hindi pwede. Marami pa akong kailangan na asikasuhin. "OO naman. Babalik ako." nakangiti kong sagot sa kanya. Paalis na ako pero ayaw pa rin magpababa nitong anak ko. Nakakarga pa rin siya sa akin ngayun. Mukhang tama yata ang palaging paalala sa akin ni Amery ah? Na huwag daw sanayin si Baby Elizabeth sa karga-karga. Pero wala eh. ito lang din kasi ang isang paraan na alam ko para maiparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. "I love you, Tatay." malambing na wika nito. Hinalikan pa ako nito sa pisngi at siya na mismo ang kusang nagpababa sa akin. "I love you too, Baby. Huwag kang masyadong magpasaway kay Nanay ha? Ano ang gusto mong pasalubong pagbalik ko?" nakangiti kong tanong sa kanya,. "Wala po. Basta, bumalik ka lang, happy na po ako." nakangiti ni
Last Updated : 2025-06-03 Read more