AMERY HEART POV "Sa palagay mo ba, deserved ko ito, Amery?" seryosong tanong sa akin ni Elias. Naiserved na ang mga pagkain na inorder ko kanina pero hindi pa rin iyun ginagalaw ni Elias. Sa mga nangyari, alam kong wala siyang gana kumain pero kailangan niyang pilitin. Hindi pwedeng hindi siya kakain. "Kumain ka na muna. Hindi pwedeng hindi. Remember, nag effort ako na ipagdrive ka papunta dito sa restaurant." nakangiti kong sagot sa kanya Kusa ko na ding nilagya ang pingan niya ng mga pagkain. Napansin kong napatitig siya sa akin sabay dampot ng kutsara at tinidor na nasa harapan niya. "I missed you, Amery. Alam kong nagkamali ako. Alam mo ba, kahit noong mga panahon na may amnesia ako. feeling ko may kulang sa akin. Feeling ko may hinahanap ang puso ko na hindi kayang maalala na isipan ko. Now, I know. Ngayung nagbalik na ang alaala ko, alam ko na kung ano ang hinahanap ko." seryosong sagot niya. Naramdaman ko na lang ang pagagap niya sa palad ko. Hindi naman ako nakaimik.
Terakhir Diperbarui : 2025-06-02 Baca selengkapnya