AMERY HEART POV "CONGRATULATIONS!" kung hindi pa sa sunod-sunod na pagbati at palakapakan sa buong paligid, hindi pa sana maghihiwalay ang labi naming dalawa ni Elias eh. Parehong may ngiti sa labi na nagkatitigan kami bago nito masuyong hinaplos na mukha ko. Muli, maririnig sa buong paligid ang masayang hiyawan pati na din palakpakan. " Sa wakas, naayos din! Napa-oo din si Amery." masayang wika ng boses ni Charlotte. Kasama ito sa iba pang miyembro ng Villarama Clan na masaya habang pinapanood kami. I am so happy. Saksi ang lahat sa proposal na ito ni Elias sa akin at alam kong sa pagkakataon na ito, hindi na ako mabibigo. Alam kong magiging perpekto na din ang lahat-lahat. Wala nang magiging balakid at kung sakaling meron man, hindi na ako basta manahimik na lang. Ipaglalaban ko ang kung ano man ang akin. "Nanay, Tatay, Baby boy muna tapos, baby girl naman. Para may makakalaro na po ako. Busy na kasi si Ate Katrina. Ang sabi po ni Uncle Christopher, darating daw ang time
Последнее обновление : 2025-06-10 Читайте больше