BARBARA “Ahmm, wala po, Sir! Tsaka, ayos lang po kahit na wala akong----“hindi niya na natuloy pa ang sasabihin niya sana at isang impit na pagtili ang kumawala sa lalamunan niya nang walang sabi-sabing basta na lang siyang binuhat nito. Sa gulat niya, wala sa sariling napakapit siya sa leeg nito sa takot na baka mahulog siya lalo na at naramdaman niyang nag-umipisa na itong naglakad patungo sa kung saan. “Ayy! Sir, teka lang po? Bakit niyo po ako binubuhat? Wa-wala na po akong sakit Sir! Ibababa niyo na po ako.” “Tsk, paano kita ibababa kung ganiyan na wala kang suot na tsinelas?” seryoso naman nitong sagot sa kanya. Hindi naman siya nakaimik lalo na at napansin niyang pumasok sila sa iisang silid at nang titigan niya, ito na pala ang dining area na tinutukoy nitong si Sir Charles. May mga pagkain na nakahain na mahabang mesa. Kagaya sa labas, ang ganda din ng loob ng dining area. Halatang pang-mayaman talaga. Sa mansion ng mga magulang nitong si Sir Charles, hindi niya pa
Huling Na-update : 2025-10-10 Magbasa pa