BARBARA POV Kung hindi pa siguro ako kinatok ni Mona, hindi pa ako magigising. Paano ba naman kasi, alas kwatro na ng madaling araw ako nakatulog kagabi dahil napuyat ako sa panonood. Hindi ko namalayan ang oras kaya naman ang ending, tinanghali na ng gising. “Barbara, alas dose na! Grabe, anong oras ka bang natulog? Mukhang puyat na puyat pa rin ah? Tsaka, ano ito, hindi mo pa nauumpisahan ayusin ang mga gamit mo na binili natin kahapon?” nagtataka nitong wika. Hindi na yata nakatiis at bigla na lang pumasok dito sa loob ng aking kwarto. “Sorry naman! Napasarap ang tulog eh. Tsaka, hindi ba’t ikaw naman ang nagsabi kagabi na walang amo na sisita sa atin kaya malaya nating gawin lahat ng nais natin?” nakangiti kong sagot dito “Sabagay! Tama ka diyan, pero kailangan mo pa ring gumising ngayun para kumain. Uyyy, nagluto ako. Tikman mo. Feeling ko naka-tsamba ako sa recipe na niluto ko ngayun. Mukhang masarap eh.” Nakangiti nitong wika. Bilib din naman ako dito kay Mona. Mukhan
Last Updated : 2025-10-19 Read more