BARBARA POV “Mona..” mahina kong sambit kay Mona nang lapitan ako. Ramdam ko ang awa sa mga mata habang nakatitig sa akin “Barbara, alam mo bang bago ka dumating sa mansion, playboy iyang si Sir Charles? Noon pa man, wala sa bokabularyo niya ang pag-aasawa pero kung sinu-sino namang babae ang pinapatulan?” seryosong wika ni Mona sa akin na mas lalong nagpadagdag sa bigat ng kalooban na nararamdaman ko ngayun “Kung ganoon, baka isa lang din ako sa mga babaeng iyun, Mona? Baka naman, hindi talaga siya seryoso sa akin?” umiiyak kong sambit. Napansin kong natigilan ito. Seryoso akong tinitigan sa mga mata sabay iling. “Hindi naman siguro. Alam mo naman, lahat ng babae na pinatulan ni Sir Charles, ikaw lang ang ibinahay niya. So, ibig sabihin, mahal ka niya.” Seryosong sagot naman nito Gusto niyang paniwalaan ang sinabi nitong si Mona pero tumututol naman ang isipan niya. Hindi totoo iyun. Parang ngayun pa lang kasi, gusto ko nang pagdudahan ang tungkol sa lintik na pagmamahal na
Huling Na-update : 2025-10-16 Magbasa pa