BARBARA POV “Kain ka pa. Dapat kumain ka ng marami para sa baby natin! Tsaka, look at yourself, pumapayat ka na oh?” nakangiting wika sa akin ni Charles habang naka-monitor yata ito sa mga pagkain na pumapasok sa tiyan ko. Ewan ko ba, may magic yata itong si Charles. Sa isang iglap, bigla din nawala ang tapang ko ngayung kaharap ko ito hapag kainan. Feeling ko kasi, bumalik kami sa dati eh. Noong mga panahon na maayos pa ang pagsasama naming dalawa. Paano ba naman kasi, ang galing naman kasi talagang mag-alaga eh. Kung umasta ngayun sa harapan ko akala mo walang nagawang malaking kasalanan sa akin eh. Sabagay, kung hindi kaya ito nagka-amnesia, maranasan ko kaya dito na itaboy ako? “Tama na, busog na ako!” angal ko dito. Napansin kong saglit itong natigilan. Sumandal sa upuan at seryoso akong tinitigan. “Galit ka pa rin ba sa akin? Sabihin mo, ano ang gusto mong gawin ko para mawala ang galit mo sa akin, Barbara.” Seryoso nitong tanong “Eh di umalis ka! Hindi na kita kaila
Huling Na-update : 2025-10-28 Magbasa pa