CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV "Wow, hmmm, ang bango talaga! Ate, gusto gusto ko iyan, tsaka iyan at iyan pa. Opo, tag-isang dosena po!" hindi ako magkandaugaga sa kakaturo sa mga pagkaing gusto kong bilhin Mga ihaw-ihaw iyun at sa bawat paninda ng street vendor, tag isang dosena ang gusto kong bilhin "Isang dosena na inihaw na isaw ng manok, dugo ng manok, ulo ng manok, barbeque at kung anu-ano pa. Si Neilson, ayun, hindi makapalag. Tahimik lang habang nasa tabi ko. "Wifey, kaya mo bang ubusin iyan? Ang what is that? Bakit ka bumibili ng ganiyan?" nagtatakang tanong nito sa akin sabay turo ng dugo nag manok na nakasalang na sa ihawan. Dark color iyun at tinititigan ko pa lang, sobrang natatakam na ako "Vitamax!" maiksing sagot ko kay Neilson "Vitamax? What is that?" nagtatakang tanong naman nito sa akin "Dugo ng manok." tatawa-tawa kong sagot dito. Napansin ko naman na pasimple itong napakamot sa ulo kaya naman itinuro ko na din ang kulay orange na parang pancit canton
Last Updated : 2026-01-10 Read more