CASSANDRA 'CASSY' POV PAGKATAPOS kong gumamit ng banyo, ang akala ko talaga, babalik kami ng tulog ni Neilson pero nagkamali ako Paano ba naman kasi, bigla na lang itong nagyaya sa akin na lumabas daw kami. Actually, kakain daw kami ng lunch/ miryenda sa labas dahil gutom na daw "Ahmm, parang ayaw kong lumabas eh." tutol ko pa nga sa nais nito "Why? I mean..hindi ka ba nagugutom?" seryosong tanong nito sa akin. "Nagugutom kaya lang, tingnan mo naman itong leeg ko? Tsaka, parang iba yata ang lakad ko ngayun eh. Feeling ko, sakang ako." sagot ko din dito Kaagad naman itong napangiti. Naupo ito sa tabi ko bago ako nito tinitigan sa mga mata. "Kakain lang naman tayo eh. Well, kung nahihirapan kang maglakad, pwede ka naman gumamit ng wheelchair. Don't worry, ako ang tagatulak." nakangiti nitong wika kaya kaagad ko itong pinaningkitan ng mga mata. "Ano ang gusto mo, kurot or sapak?" nakataas ang kilay na tanong ko dito "Ahmm, kiss---kiss na lang. Mas masarap kasi iyun kump
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-30 อ่านเพิ่มเติม