CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV "OKAY, kung ano ang gusto ng mahal kong asawa, masusunod. Palit na muna tayo ng cellphone kung iyan ang gusto mo pero kapag may importanteng tawag lalo na at tungkol sa kumpanya, sabihin mo sa akin ha?" nakangiting sagot naman ni Neilson sa akin Papayag din naman pala ng walang kahirap-hirap kaya hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti. Ito ang gusto ko sa lalaking ito eh, masyadong mapagbigay. Siguro nga, wala naman talaga itong ginagawang kabulastugan. Sadyang nabiktima lang yata ito ng malanding babae na habang maaga pa dapat ko nang pigilan. Sa sobrang tuwa ko tuloy dahil sa pagpayag nito, walang pagdadalawang isip na bumaba ako ng kama at mahigpit itong niyakap "Thank you! Ang bait mo talaga! The best ka talaga, asawa ko!" malambing kong bigkas. Natawa naman nito at hindi ko mapigilan ang mapatili nang iangat ako nito sa iri at inikot-ikot. Napakapit tuloy ako ng mahigpit sa balikat nito habang malakas na tumatawa. "Ahyy, ahyy, teka lang,
Last Updated : 2026-01-08 Read more