CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV "Nakikipag-usap ka pa rin ba hangang ngayun sa lalaking iyun? Akala ko ba habang kasal tayong dalawa, bawal tayong pumasok sa kahit na anong relasyon? BAkit feeling ko, hindi pa man nag-uumpisa ang 'kasunduan' natin, niluluko mo na yata ako kaagad, Cassandra." halata ang pagkayamot sa boses na tanong sa akin nitong si Neilson Ang kilig na nararamdaman ko kanina lang para dito ay feeling ko biglang naglaho. Bakit ba ang galing ng taong ito na manghusga kaagad? Hindi ba uso dito ang tanong muna bago magalit? "TSk, hindi ko alam kung bakit ka nagkagusto sa taong iyun eh ang pangit naman. Naghihikahos na nga sa buhay, ang lakas pang magluko." muli nitong wika. Hindi ko na tuloy mapigilan ang mapangiwi. Sapol ako doon ah? Oo nga naman, ano ba ang nagustuhan ko doon kay Joseph liban sa pagiging gwapo pero kay lakas naman ng loob na magdemand ng mga bagay-bagay? "Siya ang unang tumawag. Tsaka, blocked ko na siya noh, hindi ko naman akalain na gagamit
Terakhir Diperbarui : 2025-12-26 Baca selengkapnya