JILLIAN SANTILLAN POV PAGKATAPOS kong mag-ayos, nagpasya na din akong lumabas ng aking silid. Kaya lang, bago pa ako nakalabas, wala sa sariing napakapit ako sa hamba ng pintuan Pakiramdam ko, biglang umikot ang mundo ko. Nahihilo ako na hindi ko mawari "Mam---Mam Jillian...ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Manang sa akin. Mariin kong naipikit ang aking mga mata bago umiling. "Manang, paki-alalayan niyo naman po ako oh. Nahihilo po ako." nanghihina kong bigkas. "Diyos ko..naku, Mam, h'wag niyo pong pilitin ang sarili niyo na maglakad kung hindi kaya. Halika muna sa kama mo." tarantang bigkas ni Manang. Kung kaya lang ako nitong buhatin, baka ginawa na nito eh. Lalo na at feeling ko, wala talaga akong lakas. Pagdating ng kama, tinulungan pa ako ni Manang na makahiga ng maayos. Nang masigurado nito na maayos na ang stiwasyon ko, tsaka ito nagpaalam na lalabas ng muna Ipapaalam daw nito kay Mommy ang kalagayan ko "Manang, salamat po." mahina kong tugon. Mari
더 보기