LOGINThe kids dramaJELA POV "Tito Papa," sabi ng isa sa kambal, "paano po ba maging champion? Gusto ko rin kasi maging champion kagaya mo." Nagkunwari si Jupiter na seryoso. "Kailangan... kumain ng maraming gulay." "Ha?!" sabay reklamo ng tatlo. Natawa naman sila Tita. "Hindi po totoo 'yan!" kontra agad ni Jam. "Hindi po mukhang kumakain ng ampalaya si Tito Papa!" "Aba!" natatawang sagot ni Jupiter. "Kumakain ako, huh!" "Proof po, Tito Papa!" sigaw ng kambal. "Wala akong proof sa ngayon," natawa siya. "Sabi ko na nga ba," mahinang sabi ni Jam. "Fake news si Tito Papa." Halos mabulunan ako ng tubig. "Jam, ikaw talaga!" "Totoo naman po, Mama!" sagot ni Jam. "Saka, Mama, sabi ni teacher kapag gusto lumakas ang katawan, pwede rin kainin ang prutas, manok, karne, isda, kahit wag na ang gulay," sagot ni Jon. "May tawag si teacher sa mga pagkain na 'yan, eh . Pro-something, basta gano'n, wait lang isipin ko pa. Para di kami fake news dito," sagot rin ni Jan. Lalong nag-ingay ang me
FAMILY DINNER JELA POV Punong-puno ang mahabang hapag sa bahay ni Tito. Iba't ibang putahe, may lechon, may pansit, may spaghetti na halatang request ng mga bata at kung anu-ano pang handa na parang fiesta. "Grabe, parang may kasal!" bulong ko habang nakatingin sa mesa. Ang dami ba naman kasing pagkain at parang kami lang naman ang kakain. Kahit isama pa ang mga security guard, drivers at kasambahay. Hindi pa rin namin ito mauubos. "Hindi, Ma," sabat ni Jam. "Mas bongga pa po 'to. May champion kasi. Pagod siya, nagpana kaya kailangan niya kumain ng marami," "Ha? Pagod? Nagpana lang naman ah." Sabay lingon ko kay Jam. "Si Tito Papa! Champion siya!" sabay taas niya ng kamay na parang announcer ulit. "Jam..." napapailing na lang ako sabay tawa. Pagpasok pa lang namin ay sinalubong agad kami ni Tito. Tumakbo naman ang mga bata para yumakap sa Lolo at Lola nila. "Oy! Andito na ang sikat! Champion pa!" malakas niyang sigaw sabay tapik sa balikat ni Jupiter. Natawa na lang rin kam
"Tito Papa! May banner kami!" sabay turo sa papel na naka-tape sa dingding. *WELCOME HOME CHAMPION* at may drawing pa na pana at bituin . Pero mali ang spelling nila. CHAMPYON ang nakalagay. Natawa si Jupiter nang malakas. "CHAMPYON?!". "Eh kasi po, Tito Papa, pinoy version po yan!" proud na proud na sagot ni Jam. "Ahh, Pinoy version pala! Sige, pwede na," tawa ni Jupiter. Tapos biglang tumakbo ang kambal sa kwarto . Pagbabalik nila, may dala-dala na silang improvised crown. Gawa sa karton iyon at may glitter pa. May nakadikit pang sticker na "Princess" sa gilid. Napangiti ako sa ginawa nila. "Tito Papa! Suotin mo na po!" sabay abot nila. Napatingin si Jupiter sa crown na iniabot nila, tapos sa akin. "Babe... papayag ka?" "Ako pa tinanong mo?" sagot ko. "Edi suotin mo , para naman iyan sa'yo." Ngumiti siya at sinuot ang crown. Pagtingin ko sa kanya, muntik na akong matawa nang malakas. World champion sa archery... pero ngayon? Mukha siyang hari ng kinder.
Welcome home party Jela Pov Maaga pa lang, parang may fiesta na dito sa bahay. Hindi pa man sumisikat nang todo ang araw, gising na ang mga bata, lalo na si Jam. Hindi na siya mapakali. Paikot-ikot sa sala, hawak ang maliit na papel na ginawa niyang "WELCOME HOME" banner. "Mama, dapat po may confetti!" excited na sigaw niya. "Anong confetti?" singhal ko, nakataas pa ang kilay ko. "Jam, bahay 'to, hindi birthday party ang magaganap. Welcome party lang." "Eh champion po siya, Mama! Pwede po yung confetti. Dapat may pa-salubong tayo sa champion!" sabay taas ng kamay niya na parang announcer. "WELCOME HOME, GOLD MEDALIST! TITO PAPA!" Napapikit ako. "Anak... wag kang sumigaw, pakihinaan ang boses mo. Baka marinig tayo ng kapitbahay, isipin nilang may artista dito." awat ko sa bata. "Ay, Mama, artista naman po si Tito Papa ngayon. Dami niya fans po!" singit ng kambal sabay tawa. Ako naman, pilit kong kinakalma ang sarili habang nag-aayos ng mesa. Pero sa totoo lang, kinakabahan ta
Happy and Thrilled Jela Pov "TITO PAPA! CONGRATS POOOOO!" malakas na sigaw nilang tatlo. Napatakip na lang ako sa isang tainga ko. Narinig ko ang tawa ni Jupiter sa kabilang linya. "Hello, babies ko." "WOW! Tito Papa, GOLD KA PO!" sigaw ni Jam. "Ikaw na po ang pinaka-astig sa lahat!" "Thank you," malambing niyang sagot. "Ang galing-galing mo po," sambit rin ni Jon. "Gusto rin po namin maglaro ng ganyan," bulalas ni Jan. "Tuturuan ko kayo soon," sagot naman ni Jupiter. "YEEEEH!" malakas na naman na sambit ng tatlo. Tapos, bumalik siya sa akin. "Babe..." "Ano." "Hindi ko sinabi... kasi natatakot akong isipin mo na masyado akong... malayo sa mundo niyo," malumanay na sabi ni Jupiter. Napakagat ako sa labi. Tama ang nasa isip niya dahil nakakatakot maging sikat sa mundo at nakakatakot ang mga mapanghusgang tao. "Hindi ka malayo," mahina kong sagot, "pero minsan... nakakagulat ka. Baka mamaya may mga reporter na dito ha! Sasakalin na talaga kita." Tumawa siya
Tawag Jela Pov Katatapos lang ng live sa TV. Pero paulit-ulit pa ring naka-replay sa screen ang moment na tumama ang palaso sa bullseye, perfect score, at ang sigawan ng crowd sa arena. Naka-Gold medalist na nga, Champion pa si Jupiter. Ang galing naman ng lalaking ito. Ang dami talaga niyang surprise sa sarili. Nagugulat na lang talaga ako sa kanya. Dati, akala ko delivery boy siya sa mall, tapos isang construction worker na kalaunan siya pala ang may-ari ng building na pinapatayo malapit lang sa apartment na inuupahan namin. Ang nakakatawa pa, nagtinda pa ng balut at akala ko magnanakaw siya. Ayon pala, trip lang niyang gawin at gusto lang daw niya subukan para ma-experience rin niya ang ginagawa ng simpleng mamamayan. Kaya nakaka-amaze siya, full of surprise, very jolly, at masayang kasama. Kaya gustong-gusto siya ng mga anak ko. Gustong-gusto ko rin siya kahit minsan bwesit na bwesit na ako sa kanya. Nakatulala pa rin ako, hawak ang cellphone ko na parang biglang nagi
Shock Jela Pov Katatapos lang namin magmeryenda sa oras na iyon dito sa loob ng boutique ko. Napagod kami sa katatapos lang na paglilinis sa buong boutique. Pati ang mga bata tumutulong rin kaya natuwa kami ni Ate Mila. Nasa couch na ang mga bata, abala sa kani-kanilang ginagawa habang ako'y n
Me with my kids Jela Pov Sabado ngayon at walang pasok ang mga bata sa paaralan. Kasama pa rin namin si Ate Mila, kahit pa sinabi ko na kaya ko nang alagaan ang mga anak ko. Mas maganda pa rin daw na may kasama akong aalalay sa mga bata. Medyo busy rin kasi sila Tito at Tita. Ang gusto nga nil
Happy with Jupiter Jela Pov Bago nagtungo sa ibang bansa si Jupiter, nagpakain na muna siya sa apartment namin kasama ang pamilya ni Aling Rosing. Naging pili na ang sinasabi nila at naging maingat na sila kapag kausap nila ako. Kaya napasimangot ako minsan. Yung dati na nakikipagbiruan ako sa
Jela Pov "Hey, babe!" Nagulat pa ako sa biglaan niyang pagsulpot sa boutique ko. Wala ba itong trabaho at nandito na naman ang lalaking ito. "Why are you here?" tanong ko. Pero masaya ang puso ko na makita siya. "Aren't you missing me?" parang batang tanong niya. "Nope! Kahapon ka lang nakikai







