Share

CHAPTER 2

last update Last Updated: 2025-01-24 12:47:26

Nagulat si Grace nang imulat niya ang kanyang mga mata. Mabigat ang ulo, masakit ang katawan, at parang binabalikan siya ng lahat ng alak na ininom kagabi. Ngunit higit sa lahat, nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin na may katabi siyang lalaki sa kama.

“Shit! Shit! Oh my god!” bulong niya sa sarili, agad na napahawak sa ulo. “Bakit siya ang katabi ko? Anong ginawa ko kagabi? Hala, ang bobo ko naman!”

Sa sobrang inis at pagkataranta, hindi niya mapigilan ang sarili. Kahit mahimbing pang natutulog ang lalaki, agad niya itong sinampal.

“Aray! Ano ba ‘yan?! Natutulog ang tao, eh!” reklamo ng lalaki na agad na napabangon.

Lalong kumulo ang dugo ni Grace nang mapagtanto kung sino ang kaharap niya. Si Wilfred. Ang lalaking nakilala niya sa bar. Ang lalaking tinawag niyang “nakakainis” kagabi.

Napaupo si Grace sa gilid ng kama at halos mapapikit sa galit nang makita na wala siyang saplot mula ulo hanggang paa. Mabilis siyang nagtalukbong ng kumot. Ngunit hindi pa rin siya nakatiis—muling sinampal si Wilfred para tuluyan itong magising.

“Aray naman!” Napakamot si Wilfred sa pisngi at napakurap nang makita ang sitwasyon. “Ha? Anong ginagawa mo rito? At—bakit wala kang saplot? Ibig sabihin ba…”

“Obvious ba?!” halos pasigaw na putol ni Grace. “Oo! May nangyari sa atin! Nakakainis ka! Paano mo nagawa sa akin ‘to? Hindi ka man lang nag-control?!”

Mabilis siyang bumangon at naghanap ng damit. Halos mamilipit siya sa hiya at pagkamuhi sa sarili habang nagbibihis. Si Wilfred naman ay agad ding nagsuot ng damit, bakas ang kaba at pagkailang.

Pagkatapos ay hinarap ni Grace si Wilfred, hindi niya palalagpasin ang pagkakataong iyon.

“Sige, ngayong pareho na tayong bihis, kausapin mo ako. Ano ba talaga ang ginawa mo kagabi? At bakit mo nagawa sa akin iyon?” nanginginig ang boses ni Grace sa galit at takot.

Huminga nang malalim si Wilfred. “Miss, sorry. Hindi ko na alam ang nangyari kagabi. Lasing na lasing ka. Buti nga at nakauwi pa tayo. Hindi ko rin alam kung paano tayo nakarating dito.”

Mas lalong nadurog ang puso ni Grace. “Sorry? Iyon lang ang kaya mong sabihin? Pagkatapos ng lahat, sorry lang? Gusto mo ba, tumawag ako ng pulis ngayon? Sabihin ko na ni-rape mo ako!”

Mabilis na lumapit si Wilfred at tinakpan ang bibig niya. “Miss, please. I’m sorry. Huwag naman sana gano’n. Kung gusto mo, dito ka muna tumira. Ipapa-check up kita, aalagaan kita… mamahalin kita. Basta, huwag mo lang akong ipakulong, okay?”

Napatulala si Grace. Ang lakas ng loob nitong magsabi ng gano’n, samantalang ni hindi man lang nila kilala ang isa’t isa.

“Seryoso ka ba d’yan? Ni pangalan mo nga hindi ko alam. Tapos, mamahalin mo ako? Huy, mahiya ka naman! Alam mo, aalis na lang ako. Sana huwag na tayong magkita kasi sinisira mo lang ang buhay ko!”

Napangiti ng pilit si Wilfred at sagot, “Ah… Wilfred. Wilfred Salcedo ang pangalan ko. Ikaw?”

Tiningnan lang siya mula ulo hanggang paa ni Grace, saka tuluyang lumabas ng kwarto. Mabuti na lang at wala siyang nakasalubong sa bahay ni Wilfred, kung hindi’y baka tuluyan na siyang lamunin ng kahihiyan.

Makalipas ang ilang araw, nakipagkita siya kay Belle. Hindi niya mapigilang isiwalat ang lahat.

“Ay, nakakainis talaga! Belle, para mo akong iniwan sa ere! Ano ako, pusa na basta mo na lang binigay sa kung kanino? Saan-saan na ako dinadala eh!” reklamo ni Grace, halos mapaluha sa inis.

Napatungo si Belle, halatang guilty. “Naku, sorry talaga, ha? Ang sabi kasi niya ay ihahatid ka niya. Binigay ko pa nga ang address mo para sigurado—”

“Ano?!” singit agad ni Grace, halos mapatili. “Binigay mo ang address ng bahay ko?! Dyusko, Belle! Ano ba ang nasa isip mo? Sabi ko na ayaw ko na siyang makita, tapos ngayon baka bigla siyang pumunta sa bahay namin!”

Halos mamilipit si Belle sa upuan, kinagat ang kuko dahil sa matinding hiya. “Sorry, Grace. Ang akala ko talaga ay ihahatid ka niya nang diretso sa inyo. Hindi ko naman alam na… iba pala ang mangyayari.”

“Kung ako sa ‘yo, Belle, umalis ka na muna rito. Baka kung ano pa ang masabi ko. Ayaw kong makalimutan na kaibigan kita.” matalim na sabi ni Grace.

Nangilid ang luha ni Belle ngunit tumayo na lang. “Ingat ka, Grace. Sorry ulit.” At tuluyan na siyang umalis, dala ang bigat ng pagkakasala.

Tulad ng kinatatakutan ni Grace, hindi natapos ang lahat doon. Makalipas ang ilang araw, nagsimulang magdatingan ang kung anu-anong regalo sa bahay nila—mga bulaklak, tsokolate, teddy bear, at mga sulat na may pangalan ni Wilfred.

Halos mabaliw si Grace sa inis. Lalo na’t nagsimula nang magtanong ang kanyang mga magulang kung sino ang nagpapadala ng mga iyon.

“Kanino galing itong mga bulaklak na ito, Grace?” tanong ng nanay niya minsan.

“Uh… kaibigan lang po, Ma,” palusot niya, pero halatang hindi siya kumbinsido kahit sarili niya.

Sa loob-loob ni Grace, galit at hiya ang nararamdaman niya. Hindi niya matanggap na pagkatapos ng lahat, tila sinusundan pa rin siya ng taong iyon. Kaya’t nangako siya sa sarili.

Sa oras na magkita silang muli, haharapin niya si Wilfred. Kakausapin, pagsasabihan, at tatapusin na ang lahat at para makalaya siya sa bangungot ng gabing iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 10

    Ilang araw na ang lumipas ngunit napansin ni Bridgette na hindi man lang nagpaparamdam ang kanyang ina. Araw-araw niya itong naiisip at hinahanap. Kaya isang gabi, nang magkasama sila ng kanyang ama sa hardin ng mansyon, hindi na niya napigilan ang sarili na magtanong. Tahimik silang nakatingala sa kalangitan, pinagmamasdan ang mga kumikislap na bituin. Mahilig si Bridgette sa mga ganitong tanawin—para bang sa tuwing nakikita niya ang mga ito, lumalakas ang kanyang loob. “Tay? Pwede po ba akong magtanong?” maingat na basag ng bata sa katahimikan. Napatingin si Wilfred at agad na ngumiti. “Oo naman, anak. Tungkol ba saan iyon?” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Bridgette bago nagsalita. “Nakakausap niyo pa po ba si Nanay? Kasi… araw-araw ko po siyang naiisip. Gusto ko po sana siyang makita ulit.” May lungkot sa bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Sandaling natigilan si Wilfred. “Hmm… anak, hindi ko pa ulit siya nakakausap simula noong kinuha kita. Pero siguro naman ay m

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 9

    Kinagabihan, umuwi si Rico sa kanilang bahay. Lasing na lasing siya; amoy pa lang ng alak ay kumalat na agad sa buong sala. Sa sobrang paghihintay ni Grace ay nakatulog siya sa lumang sofa, nakahandusay pa at hindi man lang nakapaghanda ng pagkain. “Grace! Grace!” malakas na sigaw ni Rico. “Bakit ba tulog ka nang tulog? Ngayon na nga lang ako umuwi tapos ganito pa ang dadatnan ko?!” Nagulat si Grace at agad na nagising. Pupungas-pungas pa siya nang umupo at humarap sa lalaking lasing na lasing. “Rico… nandiyan ka na pala. Pasensya ka na, ha? Naglinis kasi ako ng bahay, tapos naglaba pa. Dito na pala ako nakatulog sa sofa,” paliwanag niya, halatang ninenerbiyos. “Pasensya? Nakakaubos ka ng pasensya! Sige, nandiyan ang tuyo at itlog. Iluto mo! Gutom na gutom ako!” sigaw ni Rico. Walang nagawa si Grace kundi bumangon at magmadaling pumunta sa kusina. Kahit mabigat pa ang kanyang mga mata sa antok, nagising na rin siya dahil sa takot na baka saktan siya ni Rico. Samantala, pumasok mu

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 8

    Makaraan ang kalahating oras ay lumabas na si Wilfred mula sa silid. Halatang may mabigat siyang iniisip ngunit pilit niyang pinapakita ang ngiti sa kanyang mukha. Agad siyang sinalubong ni Grace na kanina pa balisa sa paghihintay. “Ano? Kamusta? Okay ba ‘yong naging pag-uusap ninyo?” tanong niya kaagad, bakas sa tinig ang kaba. “Okay na. Pumayag na siya sa set-up natin. Sasama na siya sa akin.” Huminga nang malalim si Wilfred bago nagpatuloy. “Basta, sabi ko ay dadalawin mo siya roon sa mansion.” Agad na sumimangot ang mukha ni Grace. Hindi niya inaasahan na isasama siya sa usapan. “Ha? Anong sabi mo? Dadalawin ko siya roon? Para saan naman?” sunud-sunod niyang tanong, halatang ayaw pumayag. “Grace, anak mo siya. Natural lang na gusto niyang makasama ka pa rin kahit paminsan-minsan. Lalo na sa mga importanteng okasyon.” Hindi makapaniwala si Wilfred sa malamig na tugon ng dating kasintahan. “Pambihira ka. Ikaw na lang ang bumawi sa kanya. Sampung taon kang nawala sa buhay niya—n

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 7

    Agad na nilapitan ni Grace si Wilfred para kausapin. Kita sa mukha niya ang inis at galit dahil pakiramdam niya ay inalisan siya ng karapatang ipaliwanag sa anak ang katotohanan. “Seryoso ka ba sa ginagawa mo? Ganyan ba ang pagpapakilala mo sa bata? Umayos ka nga!” singhal ni Grace. Hindi nagpatalo si Wilfred. Ramdam ang bigat ng tinago niya sa loob ng sampung taon. “Aba, anong gusto mo? Na hindi ko sabihin sa kanya ang totoo? Sampung taon na akong nagkulang sa kanya, Grace! Sampung taon na akong hindi niya nakilala bilang ama!” Mas lalong nag-init ang ulo ni Grace. “Iyon na nga, Wilfred! Sampung taon mo na siyang hindi kinilala tapos ngayon, bigla ka na lang susulpot na parang wala lang? Hindi ka na dapat pumunta rito!” Agad na lumapit si Bridgette, na halatang naguguluhan ngunit umaasang totoo ang sinasabi ng kanyang ama. “Nay… kung siya nga ang tatay ko, hindi ba mas maganda iyon? Hindi na ako masasaktan ni Tatay Rico. May magtatanggol na sa akin,” wika ng bata, puno ng pag-a

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 6

    AFTER 10 YEARS “Rico, mahal ko. Bumili ako ng—” Napatigil si Grace sa pagsasalita nang bumungad sa kanya ang isang eksenang hinding-hindi niya akalain. Nakita niyang magkayakap sina Rico at ang babae nito, mahimbing ang tulog ng dalawa na para bang walang kasalanang nagawa. Nanlaki ang kanyang mga mata, at bago pa man siya tuluyang manghina sa sakit, kinampay niya ang pintuan at malakas na sumigaw. “Walanghiya kayo! Dito pa talaga sa loob ng bahay ko kayo naglalampungan?!” Halos mabasag ang boses ni Grace sa galit. “Ikaw, babae ka! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na pamilyado na ang lalaki mo?! Wala ka na bang natitirang hiya sa katawan?!” Nagising ang dalawa, pupungas-pungas, at biglang namilog ang mga mata nang makita ang galit na galit na si Grace. Pinagbabato sila nito ng mga unan, at sa tindi ng inis ay halos liparin ng mga iyon ang mukha ng kanyang kinakasama at ng kabit nito. Mabilis na tumayo ang dalawa, nagmamadaling magbihis. “Grace,” sabat ni Karen, ang kabit, hab

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 5

    Isang araw, habang naglilinis si Grace ng mga gamit ni Wilfred, napansin niya ang wallet nito na naiwan sa mesa. Wala sa isip na binuksan niya iyon upang ayusin, ngunit muntik nang tumigil ang tibok ng kanyang puso nang may makita siyang larawan sa loob. Isang babae—maganda, makinis, halatang mas nakatatanda ng kaunti ngunit may dating at karisma. Agad na bumigat ang dibdib ni Grace. Sino siya? At bakit naroon sa wallet ni Wilfred? “Baka naman kapatid lang… o pinsan,” bulong niya sa sarili. “Oo, Grace, huwag kang mag-isip ng masama.” Ngunit kahit anong pilit niyang paliwanagan ang sarili, ramdam niya ang kirot. Lalo na’t buntis siya, mas sensitibo at mahina ang kanyang emosyon. Agad niyang ibinalik ang wallet nang marinig niya ang yabag ni Wilfred pababa ng hagdan. Nilapag niya iyon na parang walang nangyari. “Grace,” sabi ni Wilfred na may ngiti, “pasensya ka na ha? Aalis ulit ako. Kapag may kailangan ka, nandiyan naman si Ate Miding. Sabihin mo na lang.” Napatigil si Grace. “Ha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status