Dahil sa matinding lungkot at bigat ng nararamdaman, sumama si Grace sa mga kaibigan niyang sina Belle at Sarah para mag-inuman isang gabi. Hindi niya akalaing muli na namang makikita roon si Wilfred, ang lalaking hindi niya talaga gusto mula pa noon. Kaya naman halos sumabog ang inis niya sa mga kaibigan dahil hindi man lang siya naabisuhan.
Gusto sanang umalis ni Grace, ngunit nanaig ang kagustuhan niyang makainom at makalimot kahit pansamantala. “Pasalamat kayo at gusto kong uminom ng alak ngayon. Kung hindi, kanina pa ako umalis. Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin na nandito pala ‘yong lalaki? Sana hindi na lang ako sumama,” iritadong sambit ni Grace habang iniaangat ang baso ng vodka. “Grace,” sagot ni Sarah habang nakataas ang kilay, “hindi rin namin alam ni Belle na nandito siya. Hindi naman namin puwedeng isa-isahin ang mga tao bago ka imbitahan. Hindi rin namin na-check kung sino ang naroon.” Napabuntong-hininga na lang si Grace at nagdesisyong upo sa isang couch. Tahimik siyang uminom, halos maubos na ang laman ng bote, nang biglang may lumapit. Si Wilfred. “Hi, Grace. Nandito ka ulit sa Oasis. Tara, inom tayo?” ngiti pa nito na para bang walang alam. Tumaas ang dugo ni Grace. “Hindi mo ba nakikita? Umiinom na ako! Kung gusto mo, ikaw na lang uminom nito. Tutal, wala na akong gana dahil sa pagmumukha mo!” Dahil sa lakas ng tugtugan, hindi naintindihan ni Wilfred. “Ha? Anong sabi mo? Biglang lumakas ‘yong sounds eh, I’m sorry!” Mas lalo tuloy nainis si Grace. “Wala! Uminom ka na lang diyan. Lalabas muna ako, magpapahangin.” Tumayo siya at mabilis na nagtungo sa labas ng club. Ngunit paglabas niya, tila mas mabigat na problema ang sumalubong. Nandoon ang ex-boyfriend niyang si Rico—ang mismong dahilan kung bakit gusto niyang magpakalunod sa alak. “Rico? Bakit ka nandito? Kasama mo ba ‘yong babae na ipinalit mo sa akin?” matalim na tanong ni Grace. Napakunot ang noo ni Rico. “Ha? Anong pinagsasabi mo? Nandito ako dahil nandito ka! Ano itong nalaman kong may ibang lalaking pumoporma sa’yo? Hindi ba’t kakabreak lang natin?!” Natigilan si Grace. Napatingin siya sa loob ng club, eksaktong sa lamesa kung saan naroon si Wilfred. Nasundan ni Rico ang tingin niya at biglang nagbago ang ekspresyon nito. “Tsk, tsk, tsk. Kaya pala. Siya ba? Siya ang bago mong lalaki? Hindi mo man lang sinabi!” mariing sabi ni Rico sabay hawak sa braso ni Grace. “Halika sa labas, mag-usap tayo!” Nagpumiglas si Grace. “Rico, ano ba?! Nasasaktan ako! Tama na! Kung ano man ang narinig mo, oo! Totoo! May ibang lalaki na sa buhay ko. Kaya tigilan mo na ako!” Nagngitngit lalo si Rico at mas hinigpitan ang hawak sa kanya. Hindi na nakatiis si Wilfred na narinig ang sigawan kaya agad siyang sumunod. “Hoy, pare! Huwag mong ganyanin ang babae. Masama ‘yan!” awat ni Wilfred. Ngunit mas lalo lang nagalit si Rico. Pinuwersa niyang kaladkarin si Grace palabas habang umiiyak ito. Nang tuluyan na niyang sinampal si Grace, hindi na nagdalawang-isip si Wilfred—agad niyang sinugod si Rico. Nagpalitan sila ng suntok, at kahit bugbog-sarado si Wilfred, hindi niya hinayaan na tuluyang masaktan si Grace. Sa huli, umatras si Rico, ngunit bago siya tuluyang umalis ng Oasis ay nagbanta pa. “Hindi pa dito nagtatapos ‘to. Sa susunod na magkita tayo, pagsisisihan n’yo ‘to!” Nanginginig pa si Grace habang lumuluha, ngunit agad siyang nilapitan ni Wilfred. Hawak-hawak nito ang kanyang pisngi, halatang may tama rin. “Grace, ayos ka lang?” mahina nitong tanong. Napaiyak lalo si Grace. “Wilfred… salamat ha? Hindi mo alam kung anong hirap ang dinanas ko sa kanya. I’m sorry kung hindi agad ako naging mabuti sa’yo. Pero salamat talaga sa pagligtas.” Napangiti si Wilfred kahit masakit ang mukha niya. “Ano ka ba? Kahit sino naman tutulong sa gano’ng sitwasyon. Pasensya ka na rin kung medyo mali ang naging simula natin.” Hindi maintindihan ni Grace ang sarili kung bakit sa mga labi ni Wilfred napako ang kanyang tingin. Bago pa siya makapigil, hinalikan niya ito—isang mabilis ngunit tapat na halik. Nagulat si Wilfred, ngunit hindi rin siya umalis. Eksakto namang dumating sina Belle at Sarah at nakita ang lahat. “Ay, Diyos ko! Akala ko kung napaano ka na. May prince charming ka naman pala!” biro ni Belle. “Naku, mukhang in love na naman ang kaibigan natin pagkatapos ng isang malalang heartbreak. Salamat talaga, Wilfred. Malaki ang utang na loob namin sa’yo,” dagdag pa ni Sarah. Namula si Grace at agad silang pinutol. “Kayo naman! Minsan lang ako magkaroon ng ganitong moment, sinisira n’yo pa. Tara na nga sa loob!” Ngunit sa loob-loob niya, hindi niya mapigilang kiligin. Sa unang pagkakataon matapos ang matinding sakit na iniwan ni Rico, tila nakaramdam siyang muli ng pag-asa. At habang muling nagsasama-sama sila sa mesa, tahimik lamang si Wilfred ngunit ramdam ni Grace na naroon siya—handa siyang ipagtanggol at alagaan. Sa puso ni Grace, unti-unti na niyang tinatanggap na baka nga nakita na niya ang lalaking kukumpleto sa kanya.Ilang araw na ang lumipas ngunit napansin ni Bridgette na hindi man lang nagpaparamdam ang kanyang ina. Araw-araw niya itong naiisip at hinahanap. Kaya isang gabi, nang magkasama sila ng kanyang ama sa hardin ng mansyon, hindi na niya napigilan ang sarili na magtanong. Tahimik silang nakatingala sa kalangitan, pinagmamasdan ang mga kumikislap na bituin. Mahilig si Bridgette sa mga ganitong tanawin—para bang sa tuwing nakikita niya ang mga ito, lumalakas ang kanyang loob. “Tay? Pwede po ba akong magtanong?” maingat na basag ng bata sa katahimikan. Napatingin si Wilfred at agad na ngumiti. “Oo naman, anak. Tungkol ba saan iyon?” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Bridgette bago nagsalita. “Nakakausap niyo pa po ba si Nanay? Kasi… araw-araw ko po siyang naiisip. Gusto ko po sana siyang makita ulit.” May lungkot sa bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Sandaling natigilan si Wilfred. “Hmm… anak, hindi ko pa ulit siya nakakausap simula noong kinuha kita. Pero siguro naman ay m
Kinagabihan, umuwi si Rico sa kanilang bahay. Lasing na lasing siya; amoy pa lang ng alak ay kumalat na agad sa buong sala. Sa sobrang paghihintay ni Grace ay nakatulog siya sa lumang sofa, nakahandusay pa at hindi man lang nakapaghanda ng pagkain. “Grace! Grace!” malakas na sigaw ni Rico. “Bakit ba tulog ka nang tulog? Ngayon na nga lang ako umuwi tapos ganito pa ang dadatnan ko?!” Nagulat si Grace at agad na nagising. Pupungas-pungas pa siya nang umupo at humarap sa lalaking lasing na lasing. “Rico… nandiyan ka na pala. Pasensya ka na, ha? Naglinis kasi ako ng bahay, tapos naglaba pa. Dito na pala ako nakatulog sa sofa,” paliwanag niya, halatang ninenerbiyos. “Pasensya? Nakakaubos ka ng pasensya! Sige, nandiyan ang tuyo at itlog. Iluto mo! Gutom na gutom ako!” sigaw ni Rico. Walang nagawa si Grace kundi bumangon at magmadaling pumunta sa kusina. Kahit mabigat pa ang kanyang mga mata sa antok, nagising na rin siya dahil sa takot na baka saktan siya ni Rico. Samantala, pumasok mu
Makaraan ang kalahating oras ay lumabas na si Wilfred mula sa silid. Halatang may mabigat siyang iniisip ngunit pilit niyang pinapakita ang ngiti sa kanyang mukha. Agad siyang sinalubong ni Grace na kanina pa balisa sa paghihintay. “Ano? Kamusta? Okay ba ‘yong naging pag-uusap ninyo?” tanong niya kaagad, bakas sa tinig ang kaba. “Okay na. Pumayag na siya sa set-up natin. Sasama na siya sa akin.” Huminga nang malalim si Wilfred bago nagpatuloy. “Basta, sabi ko ay dadalawin mo siya roon sa mansion.” Agad na sumimangot ang mukha ni Grace. Hindi niya inaasahan na isasama siya sa usapan. “Ha? Anong sabi mo? Dadalawin ko siya roon? Para saan naman?” sunud-sunod niyang tanong, halatang ayaw pumayag. “Grace, anak mo siya. Natural lang na gusto niyang makasama ka pa rin kahit paminsan-minsan. Lalo na sa mga importanteng okasyon.” Hindi makapaniwala si Wilfred sa malamig na tugon ng dating kasintahan. “Pambihira ka. Ikaw na lang ang bumawi sa kanya. Sampung taon kang nawala sa buhay niya—n
Agad na nilapitan ni Grace si Wilfred para kausapin. Kita sa mukha niya ang inis at galit dahil pakiramdam niya ay inalisan siya ng karapatang ipaliwanag sa anak ang katotohanan. “Seryoso ka ba sa ginagawa mo? Ganyan ba ang pagpapakilala mo sa bata? Umayos ka nga!” singhal ni Grace. Hindi nagpatalo si Wilfred. Ramdam ang bigat ng tinago niya sa loob ng sampung taon. “Aba, anong gusto mo? Na hindi ko sabihin sa kanya ang totoo? Sampung taon na akong nagkulang sa kanya, Grace! Sampung taon na akong hindi niya nakilala bilang ama!” Mas lalong nag-init ang ulo ni Grace. “Iyon na nga, Wilfred! Sampung taon mo na siyang hindi kinilala tapos ngayon, bigla ka na lang susulpot na parang wala lang? Hindi ka na dapat pumunta rito!” Agad na lumapit si Bridgette, na halatang naguguluhan ngunit umaasang totoo ang sinasabi ng kanyang ama. “Nay… kung siya nga ang tatay ko, hindi ba mas maganda iyon? Hindi na ako masasaktan ni Tatay Rico. May magtatanggol na sa akin,” wika ng bata, puno ng pag-a
AFTER 10 YEARS “Rico, mahal ko. Bumili ako ng—” Napatigil si Grace sa pagsasalita nang bumungad sa kanya ang isang eksenang hinding-hindi niya akalain. Nakita niyang magkayakap sina Rico at ang babae nito, mahimbing ang tulog ng dalawa na para bang walang kasalanang nagawa. Nanlaki ang kanyang mga mata, at bago pa man siya tuluyang manghina sa sakit, kinampay niya ang pintuan at malakas na sumigaw. “Walanghiya kayo! Dito pa talaga sa loob ng bahay ko kayo naglalampungan?!” Halos mabasag ang boses ni Grace sa galit. “Ikaw, babae ka! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na pamilyado na ang lalaki mo?! Wala ka na bang natitirang hiya sa katawan?!” Nagising ang dalawa, pupungas-pungas, at biglang namilog ang mga mata nang makita ang galit na galit na si Grace. Pinagbabato sila nito ng mga unan, at sa tindi ng inis ay halos liparin ng mga iyon ang mukha ng kanyang kinakasama at ng kabit nito. Mabilis na tumayo ang dalawa, nagmamadaling magbihis. “Grace,” sabat ni Karen, ang kabit, hab
Isang araw, habang naglilinis si Grace ng mga gamit ni Wilfred, napansin niya ang wallet nito na naiwan sa mesa. Wala sa isip na binuksan niya iyon upang ayusin, ngunit muntik nang tumigil ang tibok ng kanyang puso nang may makita siyang larawan sa loob. Isang babae—maganda, makinis, halatang mas nakatatanda ng kaunti ngunit may dating at karisma. Agad na bumigat ang dibdib ni Grace. Sino siya? At bakit naroon sa wallet ni Wilfred? “Baka naman kapatid lang… o pinsan,” bulong niya sa sarili. “Oo, Grace, huwag kang mag-isip ng masama.” Ngunit kahit anong pilit niyang paliwanagan ang sarili, ramdam niya ang kirot. Lalo na’t buntis siya, mas sensitibo at mahina ang kanyang emosyon. Agad niyang ibinalik ang wallet nang marinig niya ang yabag ni Wilfred pababa ng hagdan. Nilapag niya iyon na parang walang nangyari. “Grace,” sabi ni Wilfred na may ngiti, “pasensya ka na ha? Aalis ulit ako. Kapag may kailangan ka, nandiyan naman si Ate Miding. Sabihin mo na lang.” Napatigil si Grace. “Ha