Kung kanina ay nakaramdam na ng antok si Kara habang pangko ni Marco, ngayong umalis nang biglaan ang lalaki ay hindi na siya dalawin ng antok. Gusto niyang umiyak na iniwan siya ng asawa para sa mag-ina nito pero walang luhang gustong pumatak ngayon. Natawa siya sa naisip na naubos na ang mga luha niya. “Dapat ba ay pinigilan ko siya?” “Ako kaya ang pipiliin niya kapag pinapili ko siya?” Nagising si Kara nang maramdamang may nakadagan sa kanyang tiyan. Nang tingnan niya kung ano iyon ay nakita niya ang kamay ng mister. Napatingin siya sa orasan, alas siyete ng umaga. Tumagilid siya paharap sa lalaking tulog na tulog pa hanggang ngayon. Napaisip tuloy siya kung anong oras umuwi ang lalaki, dati kasi ay maaga itong nagigising. Tinitigan niya ang mukha ni Marco, ang noo nito na katamtaman ang sukat, ang mga kilay na katamtaman ang kapal, mga mata at ilong na animo’y nililok ng Bathala para magmukhang perpekto at ang katamtamang kapal ng mga labi na laging tumutukso sa kanyang halikan
Terakhir Diperbarui : 2025-06-14 Baca selengkapnya