“Marco, maliban sa pagiging dating model, ano pa bang kinahihiligan ni Kara?” seryosong tanong ni Nick.Nasa Pilipinas ngayon si Marco dahil sa nalalapit na anibersaryo ng Showbiz Mag, ang kauna-unahang magazine na nililimbag ng GPEAC sa Pilipinas. “Mahilig siya magbasa ng books, publishing company ang negosyo ng parents niya,” sagot ni Marco habang binabasa ang proposal ng Editorial Department. “Hindi ba masyadong malaki ang hinihingi mong budget para sa party?”“Malaki ba? May giveaways kasi tayo tapos magbabayad pa ng advertorial sa media partners natin,” katwiran ni Nick. “Anong pangalan ng publishing house nila?”“RBs Publishing House,” sagot ni Marco at saka may minarkahan sa proposal. “Nick, dati nagagawa ni Mama na ex-deal ang lahat ng ito sa anniversary issue ng magazine, kaya hindi tayo gumagastos ng ganito kalaki,” ani Marco.“Anong i-deal natin? Exposure sa printed copy? Nabawasan na ang circulation natin dahil mas malaki na kumita ang online ngayon kaya yung accounts nat
Terakhir Diperbarui : 2025-06-21 Baca selengkapnya