Nakatanggap ng tawag si Kara mula sa opisina ni Mr. Tan na kailangan niyang magpunta sa opisina ng ClickFlix ngayon. Darating daw ang lahat ng Board of Directors at gusto nilang makilala ang magagaling at top selling writers ng kompanya.Alas onse ng umaga siya pinapunta at doon na rin daw manananghalian dahil nanlibre ng tanghalian para sa lahat ang bagong majority shareholder ng kompanya. Dumating si Kara bago mag alas onse at hindi na magkamayaw mula sa reception ang mga empleyado. Napansin din niya na mas mahigpit ang security ngayon. Hinarang pa siya ng isang lalaking naka-itim na mukhang bouncer bago siya pumasok sa pinto.“She’s Karamelle, one of our writers.” Maagap na pagsalo sa kanya ni Ophelia.“Welcome to ClickFlix, ma’am,” magalang na bati ng security.Kumunot ang noo ni Kara. “Why are they so strict today?’“I heard Mr. Tan is trying to impress the new majority shareholder of ClickFlix to get the CEO position,” kuwento ni Ophelia na ngayon ay iginigiya siya sa Creative
Terakhir Diperbarui : 2025-06-22 Baca selengkapnya