Jehan's Point of ViewSumunod si Nexon sa akin, maingat ang yabag niya sa likod ko, pero sapat ang bawat hakbang para mahabol ako.“Kumain na ba kayo, Jehan? Kung hindi pa, ipaghahanda ko kayo ng pagkain.” Tanong ni Manang Rodina nang makapasok kami sa loob ng mansion ni Nexon. “Tapos na po, Manang.” Tugon ko. “Pakihatid na lang si Jehan at si Nexon sa kani-kanilang kuwarto, Manang.” Si Abby. Nasa sala si Abby, palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Nexon. Pagkaraan, tumango siya sa akin. Kaya nilingon ko si Nexon. “Tara na, para makapagpalit ka ng damit.” Tumango siya sa akin at pagkatapos ay humarap kay Abby. “Thank you, Abigail.” Aniya. Maliit na ngiti ang iginawad ni Abby kay Nexon bago kami umalis para sundan si Manang Rodina sa ikalawang palapag ng mansion. Iginiya niya kami papunta sa kanang pasilyo, kasalungat ng direksyon kung nasaan ang kuwarto ni Abby at ang kuwarto na madalas niyang ipagamit sa akin noon. Madalas kapag dito ako nakikitulog sa kanila ay
Terakhir Diperbarui : 2025-11-28 Baca selengkapnya