Jehan’s Point of View Ang mga bisitang nadadaanan ko pabalik sa loob ng mansion ay patuloy sa pagbati. Ang iba sa kanila ay halatang gustong lumapit at makipag-usap, pero dahil sa mabilis kong paglalakad ay hanggang pagbati lang sila. I smiled politely to all of them. Kahit na hindi ko sila kilala ay ngingitian ko pa rin para magpakita ng paggalang. Mayroon din mga tao sa loob ng mansion, lalo na sa sala. Mga matatanda na, siguro ay ayaw makipagsalamuha sa ilang bisita sa labas at gusto rin ng esklusibong lugar kaya dito na lang naglagi sa loob ng mansion. There were at least twenty of them. Lahat ay matatanda na, may ilang kasamang mga babae— siguro ay asawa— pero lahat sila abala kaya hindi nila napansin ang pagdaan ko. Ang tugtog galing sa labas ay umaabot pa rin hanggang dito sa loob, dagdagan pa ng halo-halong boses ng mga matatandang nag-uusap, kaya maingay din hanggang sa loob ng mansion. Ngunit nang makaakyat na ako sa hagdan, nababawasan na ang ingay. Unti-unti na
최신 업데이트 : 2025-12-13 더 보기