Lunes nang sumunod na linggo ay nasa hapag kami, si Papa at Duvessa lamang ang kasama ko. Si Veda, may inaasikaso nang araw na ‘yon. Madalas, nagsasama-sama kami sa hapag kapag almusal o hapunan. Lunch, we rarely see each other. Si Papa kasi nasa munisipyo na buong araw kaya sa opisina na rin siya nag-la-lunch. Ako naman, minsan sa bahay lang o kaya sa opisina ng gas station namin. Si Duvessa, nauuna siyang pakainin ni Ate Eden kapag lunch dahil nasanay naman silang hindi kami sabay-sabay na kumain. Pero ngayong umaga, ramdam kong sinadya ni Papa na sumabay sa amin ni Duvessa. Holiday rin kasi kaya walang pasok si Dove, samantalang alas nuebe na ako minsan nagpupunta sa gas station para tingnan ang record at e-check ang maintenance ng bawat stasyon. Apat na gas station ang naipatayo na nila Papa. Dalawa sa Santa Rita, isa sa highway papuntang Santa Monica, at isa sa dulo ng Santa Monica. Lahat iyon, ako muna ang nag-aasikaso dahil si Veda naman ang halos namamahala sa mas malalakin
Terakhir Diperbarui : 2025-12-11 Baca selengkapnya