Hanggang makaupo ang dalawa ay pareho pa rin silang nagtataka sa itsura ng paligid. Para bang may ganap na hindi nila alam. "Parang iba ang itsura nitong restaurant ngayon, ah?" tanong ni Adrian sa waitress na nag-asikaso sa kanila. "May event ba?" Ngumiti ang waitress na tila kinikilig. "Naku, Sir, Ma'am, ang swerte niyo at naabutan niyo ngayon. Ang totoo po niyan ay kaya ganito ka-romantic ang vibe ng restaurant ngayon ay dahil may magpo-propose!" excited na wika nito. Habang nagbabasa ng menu para sa order si Czarina ay abala namang makipagkwentuhan si Adrian sa waitress. Pasimpleng natawa si Czarina sa lalaki, ngayon niya lang yata nalaman na may pagka-chismoso pala ito. "The taste is good, huh. At maganda rin na dito ang proposal, maganda ang view at hindi super crowded," ani Adrian. "At ito pa ang chika, sir," sabi naman ng waitress na animo'y nasa kanto lang nagpapakalat ng chismis. "Alam mo ba na ang proposal na mangyayari ngayon ay hindi ordinaryo? Hindi yung lalak
더 보기