"Boss!" / "Czarina!" Sabay na bumisita sina Viktor at Ichan sa hospital room ni Czarina, ilang minuto pagkaalis ng mga magulang niya. "Wow! Ang tagal kong nawala, hindi niyo man lang ako hinanap?" "Hoy, malay ba namin na na-kidnap ka na pala, wala namang nagsabi sa amin," sabi ng Kuya Viktor niya. "Nalaman lang namin halos ngayon-ngayon lang." "Nawala yung location ko, hindi mo man lang napansin?" aniya na pinukol naman ang tingin kay Ichan. "Sorry, boss, hindi ko napansin..."Nakalagay ang location niya sa main computer nila sa basement at kapag may suspicious place siyang pinuntahan ay mag-re-red warning iyon lalo na't hindi niya sasakyan ang gamit.Pero dahil gabi na rin kanina ay posibleng nakauwi na si Ichan. Naka-share naman din ito sa phone ng dalawa pero kailangan pang i-check ang application, bagay na hindi naman talaga ordinaryong ginagawa."Anyway, kailangan kong hanapin kung sino ang nasa likod ng pag-kidnap sa akin," aniya sa malamig na boses at tumingin sa may binta
Read more