"Nag-message sa akin si Grandma, masama raw ang pakiramdam niya," paliwanag ni Zayden kay Czarina habang nakatingin sa kanyang lola na may panghuhusga sa mga mata. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Czarina sa matanda at sa kanyang dating asawa. Sa halip na makipagtalo ay nagbuga na lamang ito ng hininga. Nandito na lang din naman siya, ano pa ba ang magagawa niya? "Ah," anito na bumalatay ang disappointment sa mukha. "Galing naman talaga ng hospital si Grandma para sa follow-up check up niya. Nagpa-lab tests siya ulit pero mukhang okay naman, yung ibang tests ay mamaya pa ang result." "Oh, siya, kumain ka na rin, Zayden. Sabay-sabay na tayo mananghalian," sabi ni Grandma at nag-abot ng pinggan sa kanyang apo. Tumigil sa pagkain si Czarina at naghanda na na magpaalam. "Tutal ay nandito naman na po si Zayden ay mauuna na po ako sa hospital, madami pa rin kasi akong gagawin," aniya. Hindi pa nakakaupo si Zayden ay aalis na agad ang babae? Napatingin ito kay Czarina pero hindi it
더 보기