Sa loob ng maliit na room ay may upuan, may foods and drinks sa mesa, may computer na maliit sa harapan, at may camera rin sa gilid. "Welcome to our auction event for the night, bidders! We wish you all the best luck so you can go home with the things you were eyeing for!" sabi ng host na nagpakita sa maliit na computer. May maliit na bintana rin ang kwarto kung saan makikita ang mga nasa labas na dumadaan sa kwarto na iyon, dalawang bintana, isa sa kanan, at isa sa kaliwa. At hindi nakatakas sa paningin ni Ichan at ni Czarina si Mr. Kauffman na pumasok sa kabilang kwarto sa kaliwang banda ng kanila.Ganoon din ang kwarto ni Mr. Kauffman, may bintana rin kaya naman kitang-kita pa rin nila, bagaman maliit, ang isa't isa kung lilingon ito ng sadya sa gawi niya. "Makiki-bid din si Mr. Kauffman?" tanong ni Ichan at tiningnan ang boss niya. Gustong masuka ni Czarina pagkarinig pa lamang ng pangalan na iyon. Bakit sa dinami-dami ng pwedeng makatabi ay ang manyak pa na iyon? Pagli
続きを読む