“Teka lang. Maupo muna tayo. Ikwento mo sa akin.”Napalinga si Justin at nakatingin lahat ng pulis at agent sa kanilang dalawa na tila nanunukso.“She’s a sister to me. Tumigil kayo!”“Bayaw, pwede mo ba kaming ipakilala sa napakagandang kapatid mo?” biro ng isa.“Oo, kung gusto mong mabaon agad ng buhay.”Nawalan ng kibo ang mga kalalakihan at bumalik sa trabaho.“Sorry, nagtatrabaho ka pala.”“Mayumi, you can call me anytime. Doon tayo sa loob ng office ko.”Pumasok sila sa magarang opisina nito.“Kailangan kong makita ang wallet ni Cayden. Naglalaman iyon ng bracelet na ibinigay ko sa kanya labing pitong taon na ang nakakalipas.”“Bakit kailangan mong mahanap ang bracelet?”“Iyon lang ang magpapatunay na ako ang batang nagligtas sa kanya.”“Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya ang totoo?”“Kasi nga nagpapanggap ang kapatid kong si Naomi na siya ako. Papakasalan siya ni Cayden dahil akala nito ay siya ang babaeng tumulong sa kanya noon.”“Grabe ang istorya ah, parang nobela. Sige,
Nilibot ni Mayumi ang tingin ngunit wala namang lumalapit na babae.“Excuse me, bigla siyang nawala. Baka may naiwan sa comfort room,” sabi ni Cayden.Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya kahit nagdurugo ang puso niya. “Kung masaya ka, masaya na din ako para sa’yo. Deserve mo ang isang mabuting babae.”“Yeah, I know. Matagal kong hinanap si Mi—”Naputol ang sasabihin nito ng may tumawag sa telepono.“Okay, I’ll be there. Hintayin mo ako,” anito sa kabilang linya.“I hope this is the last time na magkikita tayo. Huwag mo na akong guluhin. I’m getting married. Bubuo na ako ng pamilya.”Tumango siya ng marahan. Durog ang puso niya. Tinanaw na lamang niya ang palayong binata.Hindi na niya namalayan kung ilang minuto siyang nakatayo. Naglakad siya papunta sa maliit na chapel at nagdasal. Humihingi ng guidance sa Panginoon upang magsimula ng buhay. Iyon naman talaga ang pangarap niya. May pera na siya pansimula. Ngunit bakit malungkot pa din?Dadalawin niya ang ina sa ospital at magpapaa
Wala nagawa si Mayumi kundi ang umalis ng muna. Tulala siya habang naglalakad. Tinawagan siya ni Kristel at sinabing nasa ospital daw ang ina na ikinagulat niya. Kahit pa hindi siya minahal ng ina ay labis pa din ang pag-aalala niya dito. Agad siyang tumungo sa ospital.Nilapitan niya si Nanay Sally na nakaupo sa kama.“Nay, anong nangyari? Bakit hindi ninyo man lang ako sinabihan na nasa ospital pala kayo?”“Naku, baka madamay pa kami sa hulihan kay Don Manuel. Huwag ka munang lalapit sa amin at mas mainam kung lumayo ka ng tuluyan!” singhal nito. Hindi niya ininda ang sinabi ng ina, sanay na siya sa trato nito.Bumukas ang pinto. Pumasok si Naomi, suot ang designer na blouse at may hawak na bouquet ng rosas. Lumapit kay Nanay Sally ang kapatid na ngayon ay bahagya nang nakakangiti.“Bakit ka andito?” tanong ni Naomi na tila ba gusto siyang paalisin.“Natural, nasa ospital si nanay kaya ako nandito. Salitan tayo sa pag-aalaga sa kanya.”“Maayos na ang kalagayan niya,” tugon ni Naomi.
Nakaalis na si Cayden. Abot tenga ang ngiti ni Naomi ng pumasok sa silid ni Aling Sally. Isinara niya ang pinto. Lumapit siya sa ina na nakahiga at humihingal, kunwa’y nanghihina."Ma, tumingil ka na sa drama mo, nakaalis na si Cayden. Kanina pa ako kinakabahan pero ang galing ng akting mo.""Ay, anak, kung hindi tayo kikilos agad mawawala ang pagkakataon nating makabingwit ka ng gwapong mayaman na mag-aahon sa atin sa kahirapan. Lalo na nahuli na ng pulis si Don Manuel.”"Ma, hindi natin hahayaang mawala ang pagkakataong ito. Si Cayden lang ang sagot sa lahat ng hirap natin. Sa wakas, may pagkakataon tayong makaahon at magkaroon ng magandang katayuan sa lipunan.”"Buti na lang ang mabilis ang utak ko. Anak, gawin mo ang lahat. Kausapin mo siya. Sabihin mong baka ito na ang huling hiling ng nanay mo.”"Oo, Ma. Ako na ang bahala. Hindi na siya makakatanggi. Mapapayag ko din siya. May tumawag lang kanina kaya naputol ang usapan namin. Basta galingan ninyo ang akting. Nakausap ko na ang
“Boss! Tara na! Tumakas tayo!” ani Patrick kay Don Manuel. Hinila nito ang amo hanggang sa madapa.Ngunit nahuli si Don Manuel ni Justin. Tinulak nito ang matanda sa lupa, tinutukan ng baril sa ulo. Si Justin mismo ang lumapit.“Don Manuel, inaaresto ka sa kasong international drug trafficking, money laundering, murder, at illegal arms possession,” ani Justin.“Walang basehan ‘yan! Anong pruweba n’yo?! Bitawan ninyo ako. Talk to my lawyer!” anang matandang nag-aalimpuyo sa galit.“Maraming ebidensyang hawak ang pulisya kaya wala kang lusot! Matagal ka na naming minamanmanan.”“Mag ulol! Saan kayo kukuha ng ebidensya laban sa akin?! Magkita tayo sa korte!”“Deretso kulungan ka dahil sa ebidensyang nakalap sa shipment mo ngayon! Wala ka ng kawala sa batas!” ani Justin na pinigilan ang sariling bugbugin ang matanda.Sa hindi kalayuan ay nakapwesto si Mayumi. Nagkukubli siya sa saradong tindahan malapit sa pier. Nasaksihan niya ang mga pangyayari. Nakahinga siya ng maluwag. Tapos na din a
Nakarating sa isang maliit na barangay hall si Cayden at Henry. Nakatayo siya sa harap ng mga opisyal ng barangay. Katabi niya si Henry. Nasa harap nila si Naomi Olivares, ang babaeng nagsasabing siya ang batang nagligtas kay Cayden labingpitong taon na ang nakalipas. Mahinhin ang kilos ng dalaga at nakamahabang bestida.“Sa lugar na ito ako dinala matapos akong makatakas sa mga kidnappers. Isang batang babae ang tumulong sa akin. Maliit pa siya noon, sa tingin ko ay anim o pitong taong gulang. Binigyahan niya ako ng bracelet at mayroon din siyang isa pa. Nasa iyo pa ba ang bracelet?” ani Cayden at ipinakita ang suot.Nag-aalangan, ngumiti ng pilit si Naomi.“Wala na po, Mr. Villamor, labingpitong taon na po ang lumipas. Naalala ko na itinago ko ang bracelet kaso nawala rin sa paglipas ng panahon.”Sandaling katahimikan. Si Henry ay napatingin sa kanyang tablet na may detalye. May mumunting bulungan sa mga opisyal ng barangay.“Si Naomi nga ang batang ‘yon, Mr. Villamor. Anak ko siya.
Gustong sumama ni Mayumi kay Cayden ngunit hindi ito ang tamang panahon. Kailangan niyang matapos ang misyon. Makakapaghintay ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.“Cayden, buo na ang pasya ko. Walang nabago. Sasama ako kay Don Manuel para matupad ang pangarap ko. Bumalik ka na sa lungsod.”“Mayumi, hindi kita kayang iligtas kung ikaw mismo ang may ayaw. Lider ng sindikato si Don Manuel. Mapapahamak ka sa pagsama mo sa kanya. Itatakas kita,”“Hindi mo naiintindihan. Kaya tayong hanapin ni Don Manuel kahit saan. Hindi lang ako ang nasa panganib kundi pati ikaw sa pakikialam mo.”Hinawakan nito ang kanyang kamay, mahigpit.“Kaya nga kita ilalayo. Kaya kitang protektahan laban sa kanya.”“Hindi mo ako kailangang protektahan. Gusto ko ang ginagawa ko. Gusto ko ng matandang mayamang magbibigay ng lahat ng luho ko,” aniya upang maitaboy ang binata.“Akala ko masaya ka na kasama ako?”“Oo, hindi ko naman ikinakaila ‘yan. Pero mas masaya ako kung magbubuhay reyna ako.”“Kaya kong ibigay sa
Nalukot ang mukha ni Mayumi sa kakornihang nadinig. Hindi niya inasahang makakadinig ng mga linyang baduy sa CEO. Pero labis ang saya ng puso niya. Kinikilig siya sa banat ni Cayden ngunit hindi niya ipinahalata.“Tara, doon naman tayo!”Nagtungo sila sa color game booth. Maingay, maraming tao, at tila sugal talaga ang dating. Nagmasid muna sila. Si Cayden ang unang tumaya. Kumuha ito ng pera sa bulsa. Limang daan agad ang taya nito.“Oy, bakit ang laki ng taya mo? Bente bente lang.”“Anong kulay ng panty mo ngayon?” sa halip ay tanong nito na hindi niya makita ang koneksyon ng kulay ng panty sa game na lalaruin.“Blue, bakit mo tinatanong?” mahina niyang sabi.“Mas malaki taya, mas malaki kapag panalo. Blue ‘yan. Sigurado ako,” kumpiyansa nitong sabi.“Red ang feeling ko!” sabat niya.Umikot ang roleta. Tila mabagal ang lahat habang pinapanood nilang huminto sa kulay red.Sabay silang napatigil.“Talo, sayang ang five hundred! Ilang kilong bigas na ‘yan. Tara na, tama na ‘yan. Alalaha
“Kailangan pa po ba ng ID? Nawala po kasi ang wallet ko, andoon lahat ng ID naming mag-asawa,” ani Cayden upang pagtakpan ang pagsisinungaling nila.“Kahit picture ng ID to verify lang po.”“Lahat ng tao may ID, imposibleng wala kayong maipapakita,” sabat ng babaeng masungit sa tabi ng taga-barangay.Nagkatingin silang dalawa.“Excuse me po. Dala ko na ang naiwan mong wallet sa restaurant,” ani Henry.Maasahan talaga ang assitant ni Cayden. Namangha siya ng may dala itong ID nila dalawa na may bagong pangalan.Matapos abutin ang wallet ay ibinigay agad ni Cayden ang dalawang ID sa taga-barangay.Pagkaalis ng mga opisyal, agad isinara nito ang pinto. Sumilip siya sa bintana upang tiyaking wala nang tao. Huminga siya nang malalim.“Sir, may dala din akong charger. Grabe ang kaba ko sa pagtakas ninyo. Buti na lang at hindi kayo nahuli. Nasundan ko ang tracker na nasa kwintas mo. Kaya bago pa ninyo ako matawagan ay papunta na talaga ako dito,” mahabang kwento ni Henry.“Okay na, umalis ka