Hindi agad nakakibo si Justin kaya bumanat si Gab. “Mas mainam na wala akong lugar sa buhay mo kasi malapit ng matapos ang kasunduan. Magaling na si Lola Mila at nagpapalakas na lang,” aniyang saglit tinitigan ang mukha ng binata bago muling yumakap.Namayani ang katahimikan habang magkayakap sila, kapwa hinahanap ang init ng isa’t isa sa gitna ng malamig na gabi. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Justin, habang ang kamay nito ay banayad na nakapulupot sa beywang niya.Bago sumikat ang araw ay nakabalik na sila sa farm. Sinalubong sila ng masarap na amoy ng bagong lutong agahan, sinangag, sugpo, itlog, tapa, inihaw na tilapya, at manggang hilaw na may bagoong. Nasa hardin ang mesa, at masaya silang sinalubong nina Lola Mila at Mayumi, kapwa nakangiti at abalang nag-aayos ng pagkain.“Aba! Heto na ang bagong kasal talaga!” masayang bati ni Lola Mila.“Good morning, Mr. and Mrs. Aragon. Kumusta ang honeymoon?” nakatawang biro ni Mayumi.Napailing siya, pero hindi maikakailang may kak
Last Updated : 2025-06-26 Read more