Naroon pa rin ang amoy ng projector at init ng ilaw sa loob ng conference room nang magsimulang magsalita si Trixie upang tapusin ang kanilang pagpupulong. Nakatayo siya sa unahan ng mesa, hawak pa ang remote ng presentation at nakatingin sa kaniyang mga kasamahan.“Okay, I think that’s everything for today.” Malumanay pero puno ng kumpiyansang tinapos ni Trixie ang kanilang meeting para sa araw na iyon. “Great work, everyone. I’ll see you all sa susunod na schedule. Please send me the updated reports within the week, ha?”After everyone agreed, agad na nagtayuan ang kaniyang mga kasamahan, bawat isa ay nagbuhat ng laptop, folders, at mga personal na gamit. Ang iba’y nagsasalita pa, nagpapatawa, at ang iba nama’y nagpaalam na may ngiti. Naghari ang tipikal na tunog ng pagtatapos ng araw, chairs sliding, bags zipping, at tunog ng mga paa na palabas ng silid.Maya-maya pa, bumalik ang paghahari ng katahimikan sa conference room. Naiwan si Trixie, nakatayo, at isa-isang inaayos ang mga
Huling Na-update : 2025-09-07 Magbasa pa