Still Alaric’s POV Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. “Flowers,” utos ko habang nakasandal sa upuan ko, paikot-ikot ang wine glass sa kamay ko. “Hindi basta-basta. Yung pinakamaganda.” “Yes, sir.” “Chocolate,” dagdag ko. “Imported. Yung pinakamahal.” “Yes, sir.” “At pagkain,” tuloy ko, bahagyang napangisi. “Siguraduhin mong mainit pagdating sa kanya.” Saglit akong tumahimik pinikit ko ang mga mata ko habang iniimagine ko ang eksena. Si Seraphina pagod namumugto ang mata nakatitig kay Caelum na parang siya lang ang mundo niya. At pagkatapos darating ang ipinadala ko isang paalala. Na kahit nasaan siya abot ko siya. “Deliver it personally,” sabi ko, dahan-dahan. “At siguraduhin mong makikita niya kung kanino galing.” “Yes, sir.” Napangiti ako. “Good.” Ilang minuto lang ang lumipas nasa harap na ulit ako ng CCTV screen. Nakatutok ang tingin ko hindi kumukurap ayokong mamiss kahit isang segundo. At doon nakita ko pumasok ang tauhan ko sa hospital room. May dalang
اقرأ المزيد