THIRD PERSON POV Hindi agad sumabog ang digmaan sa halip, unti-unti itong binuo parang apoy na pinapalaki sa ilalim ng katahimikan. Sa loob ng isang abandonadong gusali sa gilid ng lungsod, nagpatuloy sina Seraphina at Caelum sa kanilang paghahanda. Walang palamuti ang lugar sirang pader, malamig na sahig, at mga bintanang kalahati’y basag. Pero sapat iyon. Sapat para magplano sapat para magtago sapat para maghanda ng pagbagsak ng iba.Sa gitna ng silid, nakalatag ang mesa na punong-puno ng mapa, armas, at dokumento. Ang bawat marka, bawat linya, bawat sulok na tinukoy may ibig sabihin. Walang galaw na sayang, Walang hakbang na padalos-dalos. Tahimik si Caelum habang inaayos ang rifle sa kanyang harapan. Maingat ang bawat galaw niya, parang sanay na sanay pero may bago sa kanya ngayon. Hindi na lang ito kasanayan. Ito ay kontrol hindi na siya gumagalaw dahil sa galit lang. Kundi dahil sa plano sa kabilang banda, si Seraphina ay nakatutok sa mga papel. Nakakunot ang noo niya habang
Read more