Third Person POV Ang hangin ay tila huminto ang kagubatan, na kanina’y muling nabuhay matapos ang nakaraang laban, ay biglang nalugmok sa isang katahimikang mas mabigat pa kaysa sa kamatayan. Ang mga dahon ay hindi na gumagalaw, ang mga ibon ay naglaho na parang hindi kailanman umiral, at ang liwanag ng buwan ay tila umatras parang ayaw masaksihan ang susunod na mangyayari. Sa gitna ng katahimikang iyon, nakatayo sina Caelum at Seraphina. Magkatabi at magkasama sa harap nila ang nilalang. Hindi ito ganap na may anyo, ngunit sapat ang presensya nito upang maramdaman ang bigat ng kapangyarihan. Ang kanyang katawan ay tila binubuo ng gumagalaw na anino, patuloy na nagbabago, parang usok na may sariling buhay. Ngunit ang kanyang mga mata ang kanyang mga mata ay maliwanag, malamig, at puno ng kaalamang hindi dapat taglay ng kahit sinong nilalang. “At last,” muling wika nito, ang boses ay tila nanggagaling sa lahat ng direksyon. “Ang tagapagmana.” Nanigas ang paligid si Seraphina ay baha
اقرأ المزيد