THIRD PERSON POV Tahimik ang gabi, ngunit ang katahimikang iyon ay hindi payapa ito’y mabigat, halos sumasakal. Sa gitna ng malawak na kagubatan, kung saan ang liwanag ng buwan ay bahagyang sumisilip sa pagitan ng mga dahon, nakatayo si Caelum, tila isang aninong hindi mapakali. Hindi siya gumagalaw, ngunit ang kanyang presensya ay parang bagyong nagbabadya. Sa malayo, ang hangin ay humahaplos sa mga sanga, nagbubulong ng mga lihim na tila siya lamang ang nakakarinig. Ngunit sa kabila ng katahimikan, malinaw sa kanya may paparating. At hindi iyon mabuti sa likuran niya, marahang humakbang si Seraphina. Hindi niya kailangang magsalita upang ipaalam ang kanyang presensya. Ramdam agad ni Caelum ang pagbabago sa hangin ang bahagyang pag-init, ang kakaibang pakiramdam ng seguridad na siya lamang ang naibibigay nito. “Hindi ka dapat nag-iisa rito,” mahinang wika ni Seraphina, ngunit ang tono niya’y may halong pag-aalala. Hindi agad sumagot si Caelum. Patuloy lamang siyang nakatanaw sa di
اقرأ المزيد