Walang emosyon siyang ngumiti bago inirapan si Drake. "Gaya ng sabi ko, sanay akong mag-isa kaya ayos lang sakin na hindi kita kasama."Kahit na ganun ang sinabi niya, hindi parin nagbago ang saya sa mukha ni Drake at nakibit balikat lang. "Okay. If you say so. Basta kung may kailangan ka, wag kang mahihiyang kumatok sa pintuan ko. I will be living in the unit next to you for the meantime," anito sabay turo sa apartment unit na katabi ng sa kanila.Marahas siyang napalingon sa pwesto nito bago pinukol ng isang nagtatanong na titig si Drake. "Hindi ba't may nakatira diyan?" Naguguluhan niyang sambit."Yep.""Nasaan na sila?" Kunot noo niyang tanong."Ahm, nagbabakasyon for the meantime?" Kaswal nitong sagot.Sarkastiko naman siyang tumawa. Ano daw? Pinagbakasyon? "Nababaliw ka na ba?"Huminga ng malalim si Drake bago seryosong humarap sa kanya. "I will be crazy of I'm away from you and since ayaw mo pa akong makasama, naghanap ako ng paraan para malapit parin ako sayo at sa anak natin.
Last Updated : 2025-07-02 Read more