Napatingin si Drake sa malungkot na mukha ni Graciella at mabilis na umiling. "Hindi ganun. Masarap ang niluto mo, Graciella. Sadyang mainit lang ang sabaw kaya napaubo ako."Mabilis na nagliwanag ang ekspresyon ni Graciella kaya nakahinga ng maluwag si Drake. "Talaga?""Yup!" Aniya at pilit na ngumiti kahit pa pakiramdam niya nag-aapoy na ang loob ng kanyang bibig."Kung ganun ay kumain ka pa ng marami. Ubusin mo ha," nakangiti nitong turan."O—okay," alanganin na sagot ni Drake.Nais sabihin ni Drake na masyadong maanghang ang noodle soup na ginawa ng babae pero nang makita niya ang malungkot nitong ekspresyon, hindi niya nais na tuluyan itong madismaya. Siguro ay nagkamali lang din ito ng lagay ng mga spices at lantern chili ang naihalo sa sabaw. Kaya imbes na magreklamo, pinilit niya ang sarili niyang kumaing muli.Masaya namang kumakain si Graciella habang lihim na pinagmasdan si Drake. Ganado siyang humigop ng sabaw sa sarili niyang bowl dahil sakto lang naman ang lasa ng nasa k
Last Updated : 2025-07-04 Read more